Sunday, December 28, 2008

Athol!

"Nakakahiya kayo. Singkwenta'y sais anyos ang tatay ko. And kapatid ko kakatorse anyos. Anong ilalaban nila sayo?"

- Bambee Dela Paz
Putangina talaga. Nakakapanginit naman ng dugo ang pinagagagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Nasser Pangandaman at ng anak n'yang si Mayor Nasser Pangandaman, Jr., Mayor ng Masiu City, Lanao del Sur. Napakagaling.

Ayoko na ikwento muli ang nangyari, ito na lang basahin n'yo ang blog ni Bambee tungkol sa nangyari sa kanila sa isang Golf Course sa Antipolo City.


Hindi ko makita ang dahilan kung bakit pa kailangang gawin ni Secretary at Mayor yun. Unang- una, tulad ng sinabi ng kaibigan kong si Joseph Guillermo, PERA NAMIN ANG PINANG-GOLF N'YO! At kaya pala walang nangyayari sa MILF peace talks na pinagagagawa mo, e kasi meron kang internal problem. Sira-ulo ka. Sige nga, sinong magtitiwala sa'yo na ayusin mo ang problema ng iba, kung ang problema mo sa sarili mo 'di mo maayos? Gago.


Oo na, hindi natin alam ang buong kwento ng pangyayari sa punyetang Golf Course na yan, pero sa lahat ng ginawa ng hinayupak na mag- ama na ito, tama ba pabayaan na lang natin sila sa ginawa nila? Tama ba pumayag tayo na lapastanganin na lang tayo ng mga tao sa Gobyerno ng ganito kadali lang? Marami pang ibang instances na nangaabuso na ang mga taong katulad n'ya sa atin, pero hindi sing swerte nito na na- blog ng mga tao, nadyaryo, at natelevise. Kailangan na natin kumilos at lumaban sa mga pang- aabusong ito. Hindi porket may kapangyarihan sila-- na tayo rin ang nagbigay dahil sa boto (kung binoto talaga natin sila, at hindi sila nandaya, 'di ba?) ay may karapatan na silang manakit ng kapwa. At hindi porket matanda ka ay lagi kang tama. Wala yan sa edad. Hindi mo na naisip na 56 y/o na yan at pucha 14 y/o na pre- teen yan. E Gago ka talaga. Isipin mo, hindi proportion 'di ba? Ika nga nila, Pick someone in your own size. E tinamaan ka ng magaling--hindi mo kasi kaya ang mga tipo ni Undertaker o Bigshow eh. Pucha man, you are nothing!!! Inyofacedickheads!


Susubaybayan ko ang pangyayari na ito. Dahil pucha, punung- puno na ako sa mga bulok na tao sa gobyernong ito, katulad mo!


Yang bayag n'yong mag- ama, sinlaki ng utak n'yo--parang Golf Ball!


Bago Matapos ang Taon

Hindi ko ma-enjoy and bakasyon.

Sa totoo lang, wala naman talagang bakasyon. Kasi ang bakasyon- kuno na ito ay parang super extended lang na long weekend. Na parang pumapasok pa rin kami, iniisip ang lesson sa araw na yun, tatambakan ng trabaho, magc- cram dahil mas masarap mag- procastinate at magrereklamo dahil hindi nagawa sa tamang oras lahat ng gawain.

Ilang araw na lang ba bago pumasok?

Halos isang linggo na lang.

At sa lahat ng gagawin para next year, wala pa rin akong nagagawa. Kaya minsan, ayokong nagbabakasyon eh. Hindi lang dahil wala akong baon araw- araw, pero dahil nasasanay ako na maging mas tamad. Nasasanay ako na pag paliban lahat ng bagay para bukas-- na hindi naman dapat.

Katulad ngayon. Dapat kukunin ko ang pinaDO (Develop Only) ko na film sa Photo Concepts, Hidalgo pero yun, tinamad ako kaya naisip ko na bukas na lang. Sana lang talaga 'di ba?

Gusto ko gumawa ng New Year's Resolution eh. Kaya lang, nadala na ako dahil hindi ko naman nagagawa. Pero ngayon, dahil alam ko na hindi na ako bata para hindi tumupad sa pangako at dahil oras na din para magbago ako, heto ang ilan sa nais ko baguhin sa sarili ko:
  1. Magigising na ako sa tamang oras- tipong pagtunog ng alarm clock e babangon na ako. Hindi 2 hours after
  2. Kakain na ako ng almusal sa bahay- maski ano lang, tinapay, hotdog, bacon. Ayoko na kasi bumili sa school ng pagkain. Nauubos pera ko
  3. Magbabaon na ako ng snack at tubig sa school- para makatipid ako sa gastos ko
  4. Mag- aaral na ako sa tamang oras- kasi pinangakuan ako ni Papa ng laptop. Pero ang gusto ko lang Netbook na MSI, kasi simple lang ako (hehe) kaya pag meron na ako n'yan, anytime, anywhere, mag- aaral na ako.
  5. Hindi na ako gagastos sa mga mahal na bagay na hindi ko naman kailangan- magbubuo na ako ng check list ng mga DAPAT ko lang bilhin para 'di sumobra sa budget.
  6. Mag- iipon na ako ng pera- dahil sa March may psuedojob na ako (a.k.a. OJT) at para mukha naman akong kasama sa working crowd, kailangan, may laman naman ang wallet ko-- na ipon ko.
  7. AT ANG PINAKA MATINDI SA LAHAT: KAILANGAN GAWIN KO ITONG LAHAT- dahil pangako ko sa sarili ko na sa pagtapos ng taon, titignan ko ulit ang blog na ito at pag nagawa ko lahat, it- treat ko ang sarili ko for a job well done!
Kaya bago matapos ang taong ito, magsisimula na ako.

Good Luck, Angelique!

Tuesday, December 16, 2008

Bago Ang Bading

Tula ni Sir Ralph Galan

Mabuti nalang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na bading.
Hindi ko na kailangang tumili o tumalak
Para marinig ang aking voice.
Hindi ko kailangang magdamit babae
Kung hindi ko carry,
O umastang machong lalaki
Kung feel kong magpa-girl
Sa bahay man o opisina.
Hindi ko kailangang magpahaba ng hair
O manggupit ng hair para mabuhay.
Hindi ko kailangang magpakasal
Sa mujer na hindi ko mahal
Para maging respectable ako sa madla.
Hindi ko kailangang ipilit ang sarili
Sa straight na mhin na ayaw sa akin.
Hindi ko kailangang magpa-cut ng notes
O magpadagdag ng boobs
Para makumpleto ang aking pagkatao.
Hindi ko kailangang i-forget
Na isa akong tao
Bago isang bading.

SI Boy Bigote

Hinulaan na naman ako ng classmate ko kanina.

Nakakatawa eh. Kasi naman, sabi ng prof ko sa Spanish, break lang daw kami from the leccion. Pero natuluyan din sa gabfest na walang katapusan. Sa klase ko, maski kami-kami din nagkikita halos araw-araw (dahil blockmates lang naman lahat kami) pagnagkwentuhan, parang wala pa ring preno. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ni Señor, naasar ba s'ya sa ingay namin at gusto n'ya na kami i-dispatsa o talagang wala na kaming lesson. Ano man ang dahilan, masaya ako at natapos na din yung klase na yun.

Nung break namin, nagkadesisyunan na maghulaan ng kapalaran. Oo na, ang mga Catholics, hindi dapat naniniwala sa mga hula. Pero astig kasi yung classmate ko e. As in, mga 90% accurate ata s'ya sa hulaan. Last time, gumawa kami ng magazine at ka- grupo ko s'ya tapos nauwi lang sa hulaan yung overnight na dapat para sa magazine namin. So far, nangyari lahat ng sinabi n'ya sa hulaan portion numero uno namin. Kaya 'di ako nag- atubiling magtanong ulit sa kanya.

Ano pa ba ang kaakit-akit na tanungin kungdi, tungkol sa pag- ibig. Kaya natanong ko:
Sino ba sa kanilang dalawa?
(dahil 'di ko alam pano sasabihin ang nais ko sanang itanong)
Ngumiti s'ya at sinabi sa akin na hindi yun ang tanong ko talaga (WTF! Alam n'ya ah!) Ang tanong ko talaga ay:
Sino ang magtatagal... in a long run?
Sabi n'ya sa akin, may gusto daw ako na dalawang lalake. Silang dalawa may pagkakaparehas- artistic at torpe. Yung isa, gentle at s'ya daw ang gumawa ng paraan para magkalapit kaming muli (meaning, comeback of the year ang isang ito) at yung isa, sabi n'ya ay si Badboy ('di ko alam kung ano lumabas sa palad ko at nasabi n'ya na badboy ang isang ito). Siya daw ay intense sa kanyang craft at ako ang gumawa ng paraan para magkalapit kami. Silang dalawa nga. Walang duda.

Sinabi sa akin ng kaibigan ko na wala daw sa akin ang control sa mangyayari sa sa kung sino mas sa dalawang yan. Silang dalawa ang magdedesisyon at wala akong magagawa dun. Ang AHA! moment daw ng kung sino mas sa kanilang dalawa ay between Summer at pag tugtong ko ng fourth year. Ang sad. Tagal ko pa malalaman. AT WALA PA AKONG KARAPATAN PARA GUMAWA NG MASKI ANO! Tss. Badtrip.

Naalala ko, nung huling beses na tinignan n'ya ang palad ko, wala rin akong control sa mangyayari sa amin nung huli kong tinanong (isa din sa mga lalaking yan ang involved sa unang hulaan). Hanggang ngayon, wala pa rin akong choice.

Pero knowing me. Hehe...

Kaya nagtanong na lang ako ng ibang bagay.
Ano ba ang magiging itsura ng future husband ko?
Nakakatawa. Sabi n'ya sa akin, ang asawa ko daw, matalino, hot, at gwapo. Yung tipong pag nagusap kami, may mapapagusapan talaga kami. He used to smoke daw, pero hihinto s'ya para sa akin. Tipong dream boy ko, ganun. Except that, MERON S'YANG BIGOTE. HAHA! Hindi ko naalala na nagkagusto ako sa may bigote. Ewan ko. Ang kati kasi nun, 'di ba? Tas ang gaspang pa. Dyahe. Pero sabi n'ya sa akin, si future hubbie daw, tipong Aga Mulach-ish, Richard Gomez- ish. Aba! E kung ganun naman, ang swerte ko na!

Nakakatawa. Iniimagine ko na mukha ng hot ko na asawa. Grabe. Kanina, lahat ng makasalubong kong may bigote, tawag ko boybigote. Baka pala nakita ko na s'ya at 'di ko lang alam 'di ba?

Hay naku, sana si boybigote ko ganito itsura:


Kamukha ng aking ultimate crush na si Daniel Craig

O ni Brandon Flower ng The Killers

O ni Eric Dane (Mark Sloan, McSteamy) ng Grey's Anatomy.

O 'di ba? Solb na. Gusto ko na makita si boybigote! HAHA! :D

Sunday, December 14, 2008

Pano nga Ba?


Mga nakailang ulit ko na pinapatugtog itong kanta ni Amy Adams sa pelikulang Enchanted na may pamagat na: That's How You Know. Araw- araw, mga 3 linggo ko na kinakanta ito. Para akong sirang plaka. Kasi naman ang ganda- hindi yung maganda na pang- Grammy o pang birit. Maganda s'ya kasi ang simple lang at masaya pakinggan. Yung tipong maski 'di ka in- love tas marinig mo ito, maiin- love ka na din.

Kinanta n'ya ito dun sa parke, kasama ni Robert (Patrick Dempsey) habang nag- iisip si Robert kung paano s'ya hihingi ng tawad sa kanyang Girlfriend. Si Giselle (Adams) napakanta (halos sa lahat ng bagay naman may kanta ang karakter na yan!) ng kantang ito. Mukhang siya lang naman ang may alam ng kanta na yan, pero hindi pala. Ang buong parke pala (tingin ko Central Park. Tama ba?) ay alam ang kanta na ito. 'Di naglaon, napakanta na rin ang lahat ng tao, maliban kay Robert.


Cute 'no?


Tungkol saan ba itong kanta na ito?


Simple lang, mga signs na nagsasabi kung para sa'yo ang iniibig mo, anong dapat mong malaman kung meant- to- be kayo at anong dapat gawin para masabi na siya na nga ang "The One."


Tama ba ang lyrics sa dapat mangyari?



Well does he leave a little note to tell you you are on his mind?
Send you yellow flowers when the sky is grey? Heyy!
Well does he take you out dancin' just so he can hold you close?
Dedicate a song with words in
Just for you? Ohhh!

Because he'll wear your favorite color

Just so he can match your eyes
Rent a private picnic
By the fires glow-oohh!
Hay naku. Kung may lalake ba na ganyan mag- effort para sabihin sa'yo na ganyan ka n'ya kamahal 'diba? At sana ganyan din kadali para malaman mo na mahal ka n'ya at para kayo sa isa't- isa. Kaya lang hindi ganun kadali eh. Hindi na ganun kadami ang nage- effort para magsabi ng tunay na nararamdaman. Basta makuha lang nila ang gusto nila, okay na. Hindi naman pwede yun 'diba?

Kung ano man ang dapat gawin, maski ilang lalake pa ang dapat makilala para makita ang "The One," naniniwala ako na nandyan lang s'ya sa tabi- tabi. Dadating din s'ya. Naniniwala ako na may isang tao para sa isang tao. Hindi man sila magkita ngayon, sa tamang panahon, makikilala din nila ang isa't isa.


That's how I know.

Thursday, December 11, 2008

Matagal na ito eh.

Masarap kiligin, no?

Yung tiyan mo umiikot, hindi dahil najejebs ka. Yung umiinit yung pisngi mo dahil namumula ka. Yung natutuliro ka, in a good way. Yung nakangiti ka lagi kasi nakita mo s'ya o nagtext s'ya. Yung mga ganung feeling.

Tulad ngayon. Mga nakailang beses ko na din hinintay na kiligin ako ng ganito. Kasi madalas, pag kinilig ako nawawala naman agad. Choosy kasi talaga ako. Sa totoo lang hindi ako kinikilig ng madalas. Maliban na lang kung nag-effort talaga. Tulad ng isang ito.

Akala ko, ako lang yung nakakaramdam nung ganun.

Itong isang 'to, 'di ko alam anong trip n'ya. Biruin mo alam naman ng lahat na pag 'di ako online sa Y!M, ibig sabihin nun tulog ako (napahahahalataang ang dahilan lang ng aking pagpupuyat ay internet!) Kaya, sinong matinong tao ang magtetext sa akin ng alas- 3 ng umaga para magsabi ng good morning. Ang matindi pa d'yan may:

Imissu. :)

sa huli.

Kung ano man ang ibig sabihin n'yan, kung yung nararamdaman ko ay nararamdaman n'ya rin, edi ang saya 'diba. Kasi, feeling's mutual sobra. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makagetover dun dahil wala pang nagsasabi sa akin n'yan na maski sino lang kung hindi kita:
  1. malapit na kaibigan
  2. karelasyon
  3. o sa GM na quotes
Eh ikaw, mag- ano ba tayo?
Kaya kung sino ka man, kinilig ako sa'yo ng sobra. Maraming- maraming salamat. Sana 'di mawala. :)

Wednesday, December 10, 2008

Miercoles

Umagang- umaga na bwiset talaga ako.

Kasi naman kanina, sa San Miguel Food Shop sa UST naka- tune in sa GMA 7 yung TV. S'yempre maagang maaga pa, palabas nun Unang Hirit. Hindi ko gusto yung show na yun pero 'di naman pwedeng palipat. Maski nakakairita yung host na nakita ko (Oo na Thomasian s'ya. Ano naman?) napanood pa rin ako kasi binabalita nila ang pagdating ni Manny Pacquiao sa Quiapo Church.

Bigla ba naman nagsalita yung nagre- report na madami na daw na tao sa labas ng simbahan para makita si Pacquiao. Meron pa nga daw dun na umaasa na mahawakan man lang si Pacquaio.

Pucha. Ano s'ya diyos?

Kung hahawakan mo ba si Pacquiao, aayos ba ang buhay mo? Kung makita mo ba s'ya, mananalo ka sa lotto? Pag naamoy mo ba s'ya, mangangamoy mayaman ka din ba?

HINDI.

Hindi ko maintindihan ang sobrang pagkahumaling ng mga tao kay Pacquiao. Oo na, magaling na s'ya. Oo na, s'ya ang kampeon ng mundo. Pero seryoso, ano naman? Napanood n'yo ba yung laban n'ya nitong nakaraan lang? Sagwa 'di ba? Kitang- kitang alang laban si Oscar dela Hoya kay Pacquiao. Walang- wala eh. No match kumbaga. Siguro kung nilaban si Pacquiao sa kasimbangis n'ya, yun ang kahangahanga talaga. E hindi, 'di ba?

Oo sige sabihin nating siya ang simbolo ng pagkakaisa sa bansa, na s'ya rin ang nagpapakita na ang lahat ng tao may pag- asa. Pero ganun ba talaga? Nakita n'yo ba kung pano pumapel yung mga pulitiko na walang ginawa kungdi gamitin s'ya? S'ya naman nagpapagamit. nakita n'yo bang mag- endorso s'ya ng oposisyon? Hinde. O, san dun ang pagkakaisa? Ewan ko ba. Padrino system na ata ito.

TAPOS ang mga taong ito makikita ko na pumunta ng simbahan, PARA KAY PACQUIAO! Tama ba yun? Tanungin ko nga kayo, nagsisimba ba kayo? Kung oo, nagseseryoso ba kayo pag nagsisimba kayo? Ano? Pumunta sa simbahan para sa isang tao at hindi sa Diyos ay sobrang foul naman. Oo aminado ako na hindi ako nagsisimba linggo- linggo, at aminado ako na pag nakapagsimba ako, minsan hindi pa ako seryoso. Pero kahit kelan, hindi ako pupunta sa simbahan para sa ibang dahilan. Pupunta ako doon para sa Diyos at hindi sa diyos- diyosan.

Grabe na talaga.
Dahil d'yan, nasira ang araw ko.

Tuesday, December 9, 2008

Shoe Mart

Gabi- gabi na lang, late na ako umuuwi. Hindi ko na nagagawa lahat ng homeworks ko on- time kasi sobrang late na ako umuuwi. Tulad ngayon, uwian ko 11 a.m. Syempre, pupunta muna ako sa org ko sa TomWeb para mag "trabaho" (kung ano man yun) at mag-abang ng mga cute na lalake sa UST (sorry na! babae naman kasi ako). After nun, punta na ako sa office ni Papa sa Quiapo para sabay- sabay na kami umuwi. Pero 'di pa dun magtatapos yun kasi dadaan pa kami sa "Second Home" namin, ang SM Sta. Mesa. Pero 'di ako nagrereklamo. Kasi, SM means bonding with Mama and Papa.

Walang mintis yun, kung meron, once a week lang. Lagi kami sa SM kumakain ng dinner, ako, si Mama at si Papa- kasi si Kuya laging late na umuuwi galing UP. Halos lahat ata ng kainan dun kilala na kami. Minsan 3 days straight, isang restaurant lang kinakainan namin, minsan iba-iba araw-araw para may variety. Pero ang laging bida sa menu namin ang Chowking at Max's.

Kanina, maski ayoko na dumaan ng SM sa dami ng gagawin ko ngayong gabi, napilitan pa rin ako. Tulog na tulog na ako sa kotse nun e. Ang himbing na. Pero nakakapagtaka na kapag nasa kanto na kami ng Banco De Oro-- entrance ng SM Sta. Mesa, automatic na nagigising na ako. Natatawa nga si Papa lagi eh. Alam na alam ko na daw kung nasa SM na kami. E hello! Naririnig ko naman sila nag- uusap eh.

Naalala ko noon, pag alam ko na pupunta kami ng SM, sobrang excited na ako. S'yempre, pag bata ata hanggang pre- teen, pag narinig ang salitang MALL (o Jollibee, o McDo) sobrang kasiyahan na yun parang piyesta. Maski yang mall na yan e 4 floors lang at maliit. SM day lang kasi namin dati tuwing Linggo pagkatapos magsimba. Dati ako, si Kuya, si Mama, at si Papa hanggang sa naging ako, si Kuya, at si Mama na naging ako at si Mama na lang. Ngayon, 3 na lang kami, ako, si Mama, at si Papa. Mag- iikot kami maghapon noon, kasi ang misa namin ang tapos 1 p.m., maglu- lunch na tas shopping (o window shopping). Minsan aabutin na ng gabi para dun na din mag- dinner.

Pero naging sobrang busy na kaming 4. Minsan, hindi na kami umaalis ng sabay- sabay. Sa paglaki namin ni Kuya, siya na mang pagkawala namin kina Mama at Papa. May kanya kanyang lakad na kasama ng barkada. Kung saan-saan na kami nakakarating, lalo pa ngayon na ang dami ng naglalakihang malls dito sa Metro Manila. Ang masama pa doon, minsan sa umaga, di na din kami nagkikita- kita. Kasi aalis ako o si Kuya bago magising sila Mama at Papa. Gigising lang namin sila para magpa- alam tas matutulog na ulit sila. Swerte na lang talaga pag walang pasok, may pagkakataon kami na magsama-sama. Pero minsan kasi maski walang pasok, busy pa rin kami.

Nami- miss ko na na magkakasama kaming 4. Dati pag gabi na, sabay- sabay kaming manood ng TV, nagkkwentuhan pag kumakain ng hapunan, naghuhugas ng pinggan pagkatapos kumain.

Ngayon, wala nang ganun.

Ano ba yan, 4 na lang kami ah.

Nakakalungkot na lumalaki na kami at tumatanda na sila Mama at Papa. Gusto ko sana pagkatapos ko mag- aral, magkaroon kami ng oras na isang buong pamilya ulit kami. Sama-sama, wala kwentuhan lang. Maaga kami uuwi lahat, magkikita kami ng mata sa mata, gigising sa umaga, kakain ng breakfast ng sama- sama. Lalabas, at bumalik ulit sa dating SM, kung saan kami laging magkasama, na buong pamilya.

Twilight

Hindi ko maintindihan kung bakit nahuhumaling mga tao sa Twilight. Kwentong vampire lang naman yan.

Buti na lang itong kaibigan kong si Miguel, di tulad nila. Haha. Dapat mas marami pang katulad mo. Hindi nai- in love sa patay. Sa ________ lang. HAHA!


Miguel: fan ka ba ng twilight
Angelique: HINDE. ikaw, fan ka no??
Miguel: di napanood ko kahapon tas di ko natapos tapos tatapusin ko na ngayon. hahaha. hindi
Angelique: crush mo si bella swan? HAHA :))
Miguel: wala nga ko alam dun e. sino yun?
Angelique: HAHAHA yung bida. anyway baduy naman kasi nun e
Miguel: overrated naman ata e. di ko pa napapanood at di ko pa nababasa yun. o pang masa
Angelique: hintayin ko na lang sa HBO haha. para di sayang sa pera
Miguel: nagugulat lang ako kung saan saan ko nakikita twilight. biglang may quote na sa text galing dun. blog sa multiply
Angelique: HAHA! kadiri mga ganun e sobra nakakainis
Miguel: became a fan of edward cullen - brings back the pale look daw hahahahaha

Monday, December 8, 2008

Trial

Isang buong araw kita inintay
Hindi, isang linggo pa

Lagi kong iniisip kung tama ba na isipin kita. Pero sa totoo lang, ayoko na sana e. Kasi ang gulo pa ng lahat ng bagay ngayon. Ito na naman ako, pumapasok sa walang kasiguruhang bagay. Sa bagay na sa huli, baka umasa lang ako, ulit.

Ang hilig ko talaga umasa sa mga bagay no? Ito ata yung epekto ng pagiging romantic- umaasa sa signs, sa horoscope. Lahat ng bagay binibigyan ng kahulugan, maski hindi naman dapat. Bakit kaya ganun? Siguro nasobrahan ako ng love stories. Kasi nung bata ako, naniwala ako sa "boy-meets-girl, they fall in love, and lived happily ever after" Sa mga kwento kasing ganyan, nagkakatuluyan ang mga bida maski may kontrabida sa love story nila... ika nga, True Love shall prevail.

But does it prevail all the time?

Nung Sabado, naalala mo? Nagkita tayo. Nagkataon ba? Hindi. Kasi ang totoo n'yan, umupo talaga kami dun, sa pav na yun, kasi alam ko na dadaan ka dun. Inintay kita, isa, dalawa, tatlong oras. Nagpabali- balik, nagpalinga- linga. Umasa.

At hindi ako nabigo, kasi dumaan ka. Dumating kang nakangiti. Dahil ba nakita mo ako? Dahil ba natawa ka sa mga batang nagsabi sa' yo na "I Love you daw sabi ni Ate" o dahil nagtataka ka kung bakit kami nandun? Kung ano man ang dahilan ng pagngiti mo, natutuwa ako. Dahil sa isang buong linggo ng paghihintay, napawi lahat ng pagod ko ng makita kita.

Sana lagi kitang makita. Para masaya.

Bagong Blog

Hindi na ako nagsawa sa kakagawa ng blog.

Hindi ko na alam kung pang ilan ko nang blog itong ginagawa ko, siguro, kung tama ang bilang ko, mga pang 5 na. Naalala ko na dito din ako sa blogger nagsimula ng blog ko nun. Shunga kasi ako e. Nagiimbento ako ng password at user name na kung hindi sobrang haba eh madaling makalimutan. Hindi ko naman ma- delete kasi hindi ko alam kung paano papasukin. Kaya pag naisip kong gamitin ulit yung user name, hindi na pwede kasi nagamit ko na daw-- pero sa totoo, hindi pa.

Yung pangalawa, sa Xanga. Nagsimula yun kasi uso nun sa Candy Magazine yung magfe- feature ng blogs na interesting. E ambisyosa ako, gusto ko din ma- feature DAHIL avid reader ako ng magazine na yun (na nalaman ko, sabi ni Sir Zulueta sa prof ko sa LitJrn na isa ito sa Wowowee ng magazines. Ouch) Kaya ng isang maulan na hapon, wala akong magawa, nag sign- up ako sa xanga at yun, inspired by Bianca Gonzalez's SuperBianca ako naman si Angelique the Great (tulad ni Alexander the Great-- who was not so great after all). Nagsisi din ako sa title/ user name ko na yun. Kasi ang HABAAA at ang wordy. Kumbaga nakakatamad tandaan. Nagtry din ako gumawa ng bagong blog, sa xanga din pero 'di ko na tinuloy kasi marami na akong readers sa luma kong blog. So ever since 2004, yun na ang permanente kong tahanan sa world wide web.

Pero di pa dyan natigil yun eh. Naalala mo ba nung bagong labas ang Wordpress? Gumawa din ako dun. Mga 2 ata. Pero masyadong komplikado e. Maski gaano ako katagal magstay online, wala akong tiyaga pag- aralan yung wordpress. Kaya yun, hanapin n'yo ako sa wordpress, nandun pa rin yung blog ko, walang laman. Plano ko kasi dun, yun yung poetry site ko, pero naisip ko na mas maganda dito sa blogger.

Kaya February 23 nun ng madaling araw ng i- publish ko ang mga tula ko dito sa blogger, sa HailThee ko yun nilagay. Kasi na- inspire ako masyado sa isang lalake nun eh. Kaya naman ako napasulat ng tula ay dahil sa kanya, na eventually, naging kanila. Sa span ng buong blog na yun, 5 lalake ata yung ginawan ko ng tula, dalawa sa kanila nakapunta na dun. Isa sa dalawang yun, inaway ako dahil na- publish ko dun yung tula n'ya na 'di pa pala pwedeng i- publish. Pero nagkabati din kami. Nakaisang taon na din yun. Kasi ang poetic juices ko, kung ganun man matatawag yun, pasulput- sulpot lang.

At ang huling- huli (bago ang isang ito) ay yung sa Tumblr. Balak ko kasi dun, secret blog. Pero alam mo naman, hindi ko kaya yun. Kaya ayun, public na din s'ya. Masaya yung blog na yun kasi artsy, pagkatapos hindi ka obligado na gumawa ng sarili mong entry para sabihin sa mga tao kung ano nararamdaman mo kasi pwede mo i- reblog ang gawa ng iba. Marami ding artists sa mga tumblr kaya nakaka- inspire.

So, ito na nga yun. Ang customary first entry para sa lahat ng blogs. Mandatory ata ang mga ganito kasi feeling ko ang blog na walang ganito, hindi nakakamove- on.

Good Luck sa akin.