Hindi ko ma-enjoy and bakasyon.
Sa totoo lang, wala naman talagang bakasyon. Kasi ang bakasyon- kuno na ito ay parang super extended lang na long weekend. Na parang pumapasok pa rin kami, iniisip ang lesson sa araw na yun, tatambakan ng trabaho, magc- cram dahil mas masarap mag- procastinate at magrereklamo dahil hindi nagawa sa tamang oras lahat ng gawain.
Ilang araw na lang ba bago pumasok?
Halos isang linggo na lang.
At sa lahat ng gagawin para next year, wala pa rin akong nagagawa. Kaya minsan, ayokong nagbabakasyon eh. Hindi lang dahil wala akong baon araw- araw, pero dahil nasasanay ako na maging mas tamad. Nasasanay ako na pag paliban lahat ng bagay para bukas-- na hindi naman dapat.
Katulad ngayon. Dapat kukunin ko ang pinaDO (Develop Only) ko na film sa Photo Concepts, Hidalgo pero yun, tinamad ako kaya naisip ko na bukas na lang. Sana lang talaga 'di ba?
Gusto ko gumawa ng New Year's Resolution eh. Kaya lang, nadala na ako dahil hindi ko naman nagagawa. Pero ngayon, dahil alam ko na hindi na ako bata para hindi tumupad sa pangako at dahil oras na din para magbago ako, heto ang ilan sa nais ko baguhin sa sarili ko:
Good Luck, Angelique!

- Magigising na ako sa tamang oras- tipong pagtunog ng alarm clock e babangon na ako. Hindi 2 hours after
- Kakain na ako ng almusal sa bahay- maski ano lang, tinapay, hotdog, bacon. Ayoko na kasi bumili sa school ng pagkain. Nauubos pera ko
- Magbabaon na ako ng snack at tubig sa school- para makatipid ako sa gastos ko
- Mag- aaral na ako sa tamang oras- kasi pinangakuan ako ni Papa ng laptop. Pero ang gusto ko lang Netbook na MSI, kasi simple lang ako (hehe) kaya pag meron na ako n'yan, anytime, anywhere, mag- aaral na ako.
- Hindi na ako gagastos sa mga mahal na bagay na hindi ko naman kailangan- magbubuo na ako ng check list ng mga DAPAT ko lang bilhin para 'di sumobra sa budget.
- Mag- iipon na ako ng pera- dahil sa March may psuedojob na ako (a.k.a. OJT) at para mukha naman akong kasama sa working crowd, kailangan, may laman naman ang wallet ko-- na ipon ko.
- AT ANG PINAKA MATINDI SA LAHAT: KAILANGAN GAWIN KO ITONG LAHAT- dahil pangako ko sa sarili ko na sa pagtapos ng taon, titignan ko ulit ang blog na ito at pag nagawa ko lahat, it- treat ko ang sarili ko for a job well done!
Good Luck, Angelique!
0 comments