SI Boy Bigote

By afparungao - Tuesday, December 16, 2008

Hinulaan na naman ako ng classmate ko kanina.


Nakakatawa eh. Kasi naman, sabi ng prof ko sa Spanish, break lang daw kami from the leccion. Pero natuluyan din sa gabfest na walang katapusan. Sa klase ko, maski kami-kami din nagkikita halos araw-araw (dahil blockmates lang naman lahat kami) pagnagkwentuhan, parang wala pa ring preno. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ni SeƱor, naasar ba s'ya sa ingay namin at gusto n'ya na kami i-dispatsa o talagang wala na kaming lesson. Ano man ang dahilan, masaya ako at natapos na din yung klase na yun.

Nung break namin, nagkadesisyunan na maghulaan ng kapalaran. Oo na, ang mga Catholics, hindi dapat naniniwala sa mga hula. Pero astig kasi yung classmate ko e. As in, mga 90% accurate ata s'ya sa hulaan. Last time, gumawa kami ng magazine at ka- grupo ko s'ya tapos nauwi lang sa hulaan yung overnight na dapat para sa magazine namin. So far, nangyari lahat ng sinabi n'ya sa hulaan portion numero uno namin. Kaya 'di ako nag- atubiling magtanong ulit sa kanya.

Ano pa ba ang kaakit-akit na tanungin kungdi, tungkol sa pag- ibig. Kaya natanong ko:
Sino ba sa kanilang dalawa?
(dahil 'di ko alam pano sasabihin ang nais ko sanang itanong)
Ngumiti s'ya at sinabi sa akin na hindi yun ang tanong ko talaga (WTF! Alam n'ya ah!) Ang tanong ko talaga ay:
Sino ang magtatagal... in a long run?
Sabi n'ya sa akin, may gusto daw ako na dalawang lalake. Silang dalawa may pagkakaparehas- artistic at torpe. Yung isa, gentle at s'ya daw ang gumawa ng paraan para magkalapit kaming muli (meaning, comeback of the year ang isang ito) at yung isa, sabi n'ya ay si Badboy ('di ko alam kung ano lumabas sa palad ko at nasabi n'ya na badboy ang isang ito). Siya daw ay intense sa kanyang craft at ako ang gumawa ng paraan para magkalapit kami. Silang dalawa nga. Walang duda.

Sinabi sa akin ng kaibigan ko na wala daw sa akin ang control sa mangyayari sa sa kung sino mas sa dalawang yan. Silang dalawa ang magdedesisyon at wala akong magagawa dun. Ang AHA! moment daw ng kung sino mas sa kanilang dalawa ay between Summer at pag tugtong ko ng fourth year. Ang sad. Tagal ko pa malalaman. AT WALA PA AKONG KARAPATAN PARA GUMAWA NG MASKI ANO! Tss. Badtrip.

Naalala ko, nung huling beses na tinignan n'ya ang palad ko, wala rin akong control sa mangyayari sa amin nung huli kong tinanong (isa din sa mga lalaking yan ang involved sa unang hulaan). Hanggang ngayon, wala pa rin akong choice.

Pero knowing me. Hehe...

Kaya nagtanong na lang ako ng ibang bagay.
Ano ba ang magiging itsura ng future husband ko?
Nakakatawa. Sabi n'ya sa akin, ang asawa ko daw, matalino, hot, at gwapo. Yung tipong pag nagusap kami, may mapapagusapan talaga kami. He used to smoke daw, pero hihinto s'ya para sa akin. Tipong dream boy ko, ganun. Except that, MERON S'YANG BIGOTE. HAHA! Hindi ko naalala na nagkagusto ako sa may bigote. Ewan ko. Ang kati kasi nun, 'di ba? Tas ang gaspang pa. Dyahe. Pero sabi n'ya sa akin, si future hubbie daw, tipong Aga Mulach-ish, Richard Gomez- ish. Aba! E kung ganun naman, ang swerte ko na!

Nakakatawa. Iniimagine ko na mukha ng hot ko na asawa. Grabe. Kanina, lahat ng makasalubong kong may bigote, tawag ko boybigote. Baka pala nakita ko na s'ya at 'di ko lang alam 'di ba?

Hay naku, sana si boybigote ko ganito itsura:


Kamukha ng aking ultimate crush na si Daniel Craig

O ni Brandon Flower ng The Killers

O ni Eric Dane (Mark Sloan, McSteamy) ng Grey's Anatomy.

O 'di ba? Solb na. Gusto ko na makita si boybigote! HAHA! :D

  • Share:

You Might Also Like

0 comments