Pano nga Ba?

By afparungao - Sunday, December 14, 2008


Mga nakailang ulit ko na pinapatugtog itong kanta ni Amy Adams sa pelikulang Enchanted na may pamagat na: That's How You Know. Araw- araw, mga 3 linggo ko na kinakanta ito. Para akong sirang plaka. Kasi naman ang ganda- hindi yung maganda na pang- Grammy o pang birit. Maganda s'ya kasi ang simple lang at masaya pakinggan. Yung tipong maski 'di ka in- love tas marinig mo ito, maiin- love ka na din.

Kinanta n'ya ito dun sa parke, kasama ni Robert (Patrick Dempsey) habang nag- iisip si Robert kung paano s'ya hihingi ng tawad sa kanyang Girlfriend. Si Giselle (Adams) napakanta (halos sa lahat ng bagay naman may kanta ang karakter na yan!) ng kantang ito. Mukhang siya lang naman ang may alam ng kanta na yan, pero hindi pala. Ang buong parke pala (tingin ko Central Park. Tama ba?) ay alam ang kanta na ito. 'Di naglaon, napakanta na rin ang lahat ng tao, maliban kay Robert.


Cute 'no?


Tungkol saan ba itong kanta na ito?


Simple lang, mga signs na nagsasabi kung para sa'yo ang iniibig mo, anong dapat mong malaman kung meant- to- be kayo at anong dapat gawin para masabi na siya na nga ang "The One."


Tama ba ang lyrics sa dapat mangyari?



Well does he leave a little note to tell you you are on his mind?
Send you yellow flowers when the sky is grey? Heyy!
Well does he take you out dancin' just so he can hold you close?
Dedicate a song with words in
Just for you? Ohhh!

Because he'll wear your favorite color

Just so he can match your eyes
Rent a private picnic
By the fires glow-oohh!
Hay naku. Kung may lalake ba na ganyan mag- effort para sabihin sa'yo na ganyan ka n'ya kamahal 'diba? At sana ganyan din kadali para malaman mo na mahal ka n'ya at para kayo sa isa't- isa. Kaya lang hindi ganun kadali eh. Hindi na ganun kadami ang nage- effort para magsabi ng tunay na nararamdaman. Basta makuha lang nila ang gusto nila, okay na. Hindi naman pwede yun 'diba?

Kung ano man ang dapat gawin, maski ilang lalake pa ang dapat makilala para makita ang "The One," naniniwala ako na nandyan lang s'ya sa tabi- tabi. Dadating din s'ya. Naniniwala ako na may isang tao para sa isang tao. Hindi man sila magkita ngayon, sa tamang panahon, makikilala din nila ang isa't isa.


That's how I know.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments