Valentine's Day?

By afparungao - Friday, February 06, 2009

Nakakabadtrip yung mga panahong ganito.

Isang linggo na lang halos bago ang Valentine's Day? Sinong ka- date mo?

Ako kasi, wala e. At hindi na ako umaasa na magkaroon pa. Pero, kung papalarin, sa loob ng isang linggo, sana merong mag- aya sa akin, maski lunch lang, okay na ako.

Sinasabi ko dati na ang pathetic naman ng Valentine's day. Natuto ako na ginagawa lang ang araw na ito para kumita ang mga nagbebenta ng bulaklak o para magkatao ang mga motel. Yun ang Valentine's day... araw ng gastos. Sa UST, sa tatlong taon ko, medyo ang O.A. ng mga tao, kasi may mga tarpaulin pa, pa- deliver ng bulaklak, cake at kung ano pa. Pssh.

Pero kanina, kasama ng dalawa ko pang single na kaibigan, na- realize ko na ang lungkot pala talaga ng walang ka- Valentine's. Oo, maraming tao na pwede mo pakitaan ng pagmamahal, magulang, kapatid, kapamilya, kaibigan, pero iba yung meron ka talagang honey bebe eh. Hindi ka nagccringe sa gilid, trying to supress your inggit/ kilig para 'di ka magmukhang kawawa. Ang defense mechanism mo, magagalit ka... In other words-- BITTER.

Saklap.

Naalala ko noong nakaraang taon, unang beses ko seryosong magkaroon ng boyfriend. Cloud nine ang feeling. E hinayupak na lalake yung taong yun, bigla ba naman naisip na makipag cool- off ng mismong araw ng Valentine's day! Kaya ang araw ko, maliban sa nainggit lang ako, ay iniyak ko sa grandstand kasama ng mga kaibigan ko. Ayaw ko na talagang maalala yun. At itong isa, bago ako magkaroon ng relationship hiatus, 'di man lang ata kami umabot ng birthday ko. Sa birthday ko nga 'di kami umabot, sa Valentine's pa kaya?
Ako: Putang Ina nya! Huhu... Pakamatay na s'ya
Friend 1: Jicky tama na... nasasaktan ako para sa'yo
Ako: Huhu... (pangalan ni ex boyf) bwiset! Ngayon n'ya pa naisip 'to.
Friend 2: Ano? Upakan na natin ah?
Friend 3: Tahan na Jicky...
Pero sa totoo lang, nahirapan ako nung araw na yun. Ang masama pa dun, nung nag- family dinner kami sa Trinoma noong gabi, nauntog ako sa isa sa mga pillars doon. Ouch times two! Malas naman, first time ko pa naman sana magkaroon ng totoong Valentine's day celebration, nasira pa.

Ayoko na balikan ang nakaraan, move forward nga ika nila. Pero mukhang nananadya yata ang isang ito at kukunin pa ang gamit n'ya dito sa bahay sa linggo ng Valentine's day. Nice.

Oo bitter ako.

Una dahil wala akong date. Ikalawa, hindi pa rin ako masyado over sa huli kong nakarelasyon (yung taga South ah, 'di yung sumira sa Valentine's 2008 ko) Ikatlo, ang daming lalake sa paligid ko, pero ni isa sa kanila wala naman nangaalok sa akin. Ika-apat, mukhang masisira na naman ang Valentine's 2009 ko.

Hay, kung ano man itong nararamdaman ko, sana matapos na ito.
Happy Valentine's Day! Haha!

Alam mo maski sino ka man, may klase ako sa araw na yun, 9am- 3pm, ang paborito kong bulaklak ay Gerbera (Daisy) at bawal ako sa Chocolates... Cake na lang ;)

  • Share:

You Might Also Like

0 comments