In Three Years

By afparungao - Saturday, January 24, 2009

Oo, three years na kami.

Three years na kami ng aking kurso, ang Journalism. Hindi ko talaga maisip ang sarili ko sa maski anong kurso sa kolehiyo maliban dito. Naisip ko nung bata pa ako na maging Architect o Teacher, pero nawala ang desire ko sa mga bagay na yun. Pero simula ng makuha ako sa school paper noong elementary ako, naisip ko na na Journalism nga ang gusto ko. Nung nag fourth year ako, sa UP at UST ko lang talaga gusto kumuha kasi alam ko maganda ang Journalism programs nila, pero kumuha na din ako sa Ateneo, just in case. Pero last minute, iniba ni Kuya ang course preference ko sa UP kaya technically, sa UST lang talaga ako kumuha ng Journalism. And the rest, as they say, is history.

Malayo na ang narating ko sa kursong ito. Although love- hate relationhsip talaga ako sa UST, thankful ako at nakapasa ako sa Journalism dito. Ang dami ko nang napagdaanan eh at sa lahat ng 'yon, sigurado akong 'di ako susuko. Mula first year, natutuhan ko na simula na ito ng pakikibaka sa totoong mundo. Maski sabihin nila na medyo spoon feed ang turo sa UST, masasabi ko na hindi rin, lalo na ngayong third year. Ang daming magagaling na professors ang nag handle sa amin, tulad ni Ian Esguerra, Ferdie Lopez, Nerissa Guevara, Eros Atalia, Ralph Galan, at Nestor Cuartero (obvious ba na favorites ko sila?)

Siguro, third year na ang pinakamasaya kong taon (hinihintay ko pa ang fourth year!) dahil medyo puro majors na kami ngayon. Natutuwa talaga ako pagnagi- interview kami, mula sa mga pinakasimpleng tao hanggang sa mga prominente. Hindi man sa mismong kurso ko, pero nainterview ko na si Dra. Vicki Belo at Alfredo Velayo. Ang dami ko na ding taong nakilala. Sila Jun Lana, Jun Palafox, James Velasco, atbp. Naghabol sa mga tao, nabadtrip sa mga hindi sumisipot na interviewees, kinilig sa sobrang star- struck. Nakapagresearch ako sa iba't- ibang lugar, nakapag- cover ng mga events, nakipagsiksikan, gumastos ng sandamakmak sa pamasahe, mangiyakngiyak sa pagod, nagsulat ng articles for one hour, napuri sa good lead, naghost, nainterview, nag- shoot at marami pang iba. Sa lahat ng yan, tumatak sa isip ko ang mga katagang professionalism, dedication, hardwork, creativity, at s'yempre, fun! Ang ngayong taon na ito, makakapag OJT na ako!

Napakaswerte ko at napunta ako sa isang kurso na gustung- gusto ko. Sa lahat ng experiences ko, sa tingin ko, wala na akong hahanapin pang iba.

'Di man siguro ako mag Dean Lister (na hindi ko naman talaga pinangarap kahit kelan), alam ko na marami pa rin akong natutunan. Hindi naman nakikita sa medalya ang karunungan e. At hindi naman lahat ng magagaling na tao ngayon ay nakakuha ng mga ganyan nung nag- aaral sila. Pero s'yempre, kung mabigyan, edi thank you!

Marami pang mangyayri sa isang taon at dalawang buwan at lahat ng yun ay haharapin ko ng may pag- asa at malugod sa puso. Hindi lang dahil makakatulong ang lahat ng iyon sa future career ko, alam ko din na sa lahat ng iyon, matututo ako.

I- enjoyin ko na ang dalawang huling taon ko sa Journalism. S'mpre, kayang kaya pa rin!

  • Share:

You Might Also Like

2 comments