OMG Commercials

By afparungao - Tuesday, May 19, 2009

Malapit na ang eleksyon 'diba?
At kung hindi ako nagkakamali, gumagawa na ng kanya- kanyang mga commercials ang mga kakandidato. Hindi ba masyado pang maaga para d'yan? Hindi ba nakakahiya naman para sa amin na makita ang mga mukha n'yo, nagpapapogi tuwing primetime? Wala nakakasawa eh, ang plastic naman.

Kung may iboboto man ako, siguro ang kandidatong isusulong ang kahalagahan ng edukasyon. Nakikita ko na ang pagbaba ng kaledad ng edukasyon dito sa Pilipinas. Lalo na dahil sa mga ganitong commercials, sobrang nakakapikon.


Naasar pa ako nung minsan, tinanong ko ang pinsan ko na bata kung ano ang spelling ng remittance, sabi ba naman sa akin, LBC.

WTF.

Baka pumasok sa utak ng pinsan ko na LBC nga ang spelling nun. Shit.
At parang 'di tama para kay Edu Manzano na sumamasa ganitong mga commercials, dahil unang una, masyado s'yang matalino para dito, at pangalawa, may gameshow s'ya na tungkol sa mga trivia, TRIVIA! Anong nangyari d'un?

Tutal, magpapasukan na naman, pwede ba, sa magagaling na politiko na mga ito, unahin muna ang kapakanan ng edukasyon ng bawat bata?

***

Dude, Bong Revilla? Seriously? Sayang naman oras sa senado kung paguusapan n'yo pa sila Katrina Halili at Hayden Ko. Shit, ang daming problema sa Pilipinas.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments