Ikaw ba 'to?
By afparungao - Monday, April 20, 2009
Merong mga taong nakakairita talaga. Yun bang maski anong gawin mo, maski anong pilit mo, hindi mo talaga magugustuhan. Ako kasi, pinipilit ko namang intindihin ang mga tao sa paligid ko.
Ang pinaka ayoko kasi sa lahat ay ang mga unsolicited advices. Sa tanang buhay ko, ang dami dami ko nang nakukuhang ganyan na ni minsan 'di ko naman pinapakinabangan. Dahil una, hindi mo naman akong lubos na kilala para bigyan mo ako ng words of wisdom mo. Hindi porket umubra sa' yo ay uubra na din sa akin, 'di ba? Mamaya, tanawin ko pa yan sa' yo ng malaking utang na loob, ayoko pa naman nun. Sa magulang ko lang ako may utang na loob, sa totoo lang.
Ayoko din ng mga taong ginagawa kang tanga. Obvious ba na alam mo na yan, uulitin pa sa' yo for the sake of saying something. Jusme. Ayoko pa naman ng sirang plaka, worse, yung feeling n'ya sobrang galing na n'ya dahil nagsabi s'ya ng bagay na sa totoo naman, alam mo na.
Ayoko din ng taong nakikielam sa mga gamit ko. Kaya ko nilagay yan d'yan, tinago, at ni minsan 'di na hinahawakan ay dahil sa mga personal na dahilan. Ngayon, kung gusto mong magpasikat, pwes, mag- artista ka. Hindi ko kailangan ng taga ligpit ng gamit ko at hindi ko kailangan ng mag- uungkat ng mga bagay na tinatago ko. Siguro binasa mo rin yung mga sulat ng ex ko no? O pati yung regalo n'ya sa akin na nakatago?
Ginagawa ko ang mga bagay- bagay sa buhay ko na naayon sa sarili kong convenience. Sabihin mo nang magulo ang buhay ko, e ano naman sa'yo ngayon? Ginugulo ka ba ng buhay ko? Hindi naman 'di ba? Subukan mo kayang tignan ang sarili mo pag natutulog ka, ang gulo mo kaya. Hindi ako makatulog.

0 comments