First Week

By afparungao - Saturday, March 28, 2009

Naka tapos na din ako ng isang buong linggo sa internship ko sa Hinge- Inquirer Publications (HIP). Nagsimula na akong magtagal sa harap ng computer for research, articles, at pag- organize ng kung anu- ano. Masaya sa HIP, kasi yung mga tao hindi ma- ere. Well, meron dun, sa labas yung mga hindi ko naman talaga nakakausap na kung magdamit talo pa ang pumaparty araw- araw. Pero 'di ko naman talaga alam kung ano sila sa HIP (hehe... bad!) Sobrang mabait sa akin yung mga tao, sila Ms. Eva, Ms. Lianne, Ms. Quel, CG, LA, Miles, Cielo, Kuya Eugene, Kuya Louie, Kuya Dar, Kuya Pat, Karen, Kuya Benson, Ms. Ianne, at (Ms.) Bevs. Nakapag legwork na din ako, sa Bio- Research Sucat. Nagsulat ng mga articles (dalawa na ata for the April issue ng Forbes or Dasma). Sobrang fulfilled naman ako sa internship ko kasi madami ako natututunan at marami akong sikreto about magazine industry na nalalaman. Hehe...

Kung mapipili akong ma- absorb ng HIP, maski malayo ang biyahe, okay lang talaga.

***

Speaking of biyahe, grabe ang biyahe ko mula San Juan to Makati and vice- versa. Nung una, sobrang hirap na hirap ako at mahal na mahal sa biyahe ko. Dadating ako ng bahay na sobrang pagod na. Kasi ganito ruta ko noon
Papunta: Sasakay ng trike mula sa bahay, baba ng SM Centerpoint, lakad papuntang LRTA, baba ng Araneta Center- Cubao Station, lakad papuntang MRT, sakay ng MRT, baba ng Ayala Station, sakay ng jeep sa gilid ng Glorietta na may biyaheng Washington- Ayala, baba ng Pasong Tamo, lalakarin ang Dela Rosa hanggang makarating ng Mile Long sa Legazpi Village.

Pauwi: Lalakad palabas papuntang Pasong Tamo, sasakay ng jeep hanggang Glorietta, lalakad papuntang MRT Station, pipila ng mahaba, saskay sa Ayala Station, baba ng Araneta Center- Cubao Station, lalakad sa Gateway papuntang LRTA Station, sakay sa Araneta Center- Cubao Station, baba sa V. Mapa Station, lakad papuntang trike. Bahay.
Kapagod 'diba?
Ngayon may natutunan ako na bago.
Papunta: Lakad palabas ng S. TuaƱo st., sakay ng Kalentong na jeep, baba ng Kalentong, sakay ng EDSA Crossing na jeep, baba bago mag- Shangri- La, akyat ng overpass, sakay ng MRT papuntang Ayala, baba ng Ayala Station,sakay ng jeep sa gilid ng Glorietta na may biyaheng Washington- Ayala, baba ng Pasong Tamo, lalakarin ang Dela Rosa hanggang makarating ng Mile Long sa Legazpi Village.

Pauwi: Lalakad palabas papuntang Don Bosco, sakay ng jeep papuntang Park Square 1, lakarin mula Park Square hanggang MRT Ayala Station, sakay ng bus papuntang Shangri- La, baba ng Shangri- La, sakay ng jeep papuntang Kalentong, sakay ng jeep na pa San Juan o mag trike papuntang bahay.
Wala lang. Grabe pa rin ang biyahe ko. Pag- uwi ko sa bahay, baldado na ako. Haha!

Pero iba pa rin ako kahapon eh. Ang ginawa ko, nilakad ko mula Legazpi Village hanggang Glorietta. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin 'yun. Grabe kasi imagination ko. Kala ko, tama yung nilakad ko at matutumbok ko ang Park Square sa paglalakad, hindi pala. Haha! Pero masarap maglakad sa looban ng Ayala Loop/ inskirts ng Makati- walang tao masyado. Maski summer, malamig pa rin kasi mapuno. Puro building na magaganda. Pinagpawisan lang ako sa pagbaba at pag- akyat sa underpass e. Pero, sa paglalakad ko, nakatipid ako ng P6.00. Uulitin ko yun 'pag hindi ako masyado nababad sa computer katulad kahapon. Habang naglalakad, nawala yung stress sa katawan ko, pero pagdating ng Ayala station, nako, sumakit yung ulo ko. Haha.

Sarap maglakad sa Makati. Eversince, yun na talaga ang dream work place ko.

More on Tales of my internship, soon.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments