Legal Cheating

By afparungao - Thursday, January 22, 2009

HAHA!

Sabog na yata ang utak ko at kung anu- ano na nasabi ko kay Lian habang gumagawa kami ng Chapter 1 at 2 ng Thesis naming dalawa. Oo dalawa lang kami. Isa kami sa mga matatapang na pares sa classroom na umisip na the lesser the members, the better. Pero wala nang tatapang pa sa classmate namin na si Dudz Academia, solo lang s'yang gagawa ng Thesis n'ya.

Kaninang umaga habang gumagawa kami ni partner ng Review of Related Literature ng Thesis namin ang dami kong naiisip sa sobrang kabadtripan. Nabadtrip na ako minsan dito eh. Minsan napag- usapan namin ni Lian ang tungkol sa kahalagahan ng Thesis. Para saan ba talaga yan? Ang pinaka- immediate na sagot ay para makagraduate. Susunod na d'yan ang for further researches and studies. Pero tignan mo, wala naman talagang napapapublish na undergraduate Thesis maliban sa eskwelahan lang. S'yempre, bakit ka pa titingin ng Thesis ng iba, kung meron naman nang pag- aaral na mas magaling at reliable pa. At s'yempre hindi makakagawa ng mga bagong Thesis kung hindi mo kukuhanin ang idea sa mga nakaran nang nagawa.

Naisip ko na ang Thesis ay parang isang form ng legal cheating. Oo, dahil kinokopya mo lang din naman ang salita ng mga iba. Yun lang, para 'di masabing pandaraya, nilalagyan mo ng citation. Kung iisipin mo naman, hindi mo naman talaga idea yun para angkinin mo at pangalanan mo na ang Thesis mo ay iyo.

Kaya naisip ko, magiging okay lang ba ang pangongopya sa kaklase kung lalagyan mo ng citation? Halimbawa, nangopya ka ng sagot sa eksam. Para sabihin na okay lang naman, ba't di mo kaya lagyan ng [apelyido ng kaklaseng kinopyahan], [taon ng pagkopya] (e.g. Parungao, 2009) O 'di ba? Na- credit mo pa ang katabi mo. Kung mali ka, alam mo pa kung kanino ka mo isisisi ang mali mo.

Hindi 'ba?

Hay naku. Masama na ito. Puro kalokohan na ako.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa Thesis.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments