Wednesday, April 29, 2009

Dream Wedding

Grabe.

Kinasal na si Judy Ann at Ryan. Kung 'di mo alam yan, saang lupalop ka nangaling?

Gusto ko yung mga kasal na katulad sa kanila, intimate at nasa malayong lugar. 'Di katulad nung kina Heidi Montag at Spencer (kung ano man yung apelyido nung swanget na yun) halos mas marami pa ang paparazzi kesa sa mga "tunay" na bisita nila. Pero sa totoo lang, ayoko makasal sa liblib na simbahan tuld nung sa kanila. Gusto ko yung mapupuntahan pa rin ng kotse kung sakali. Yung malapit lang ang reception, 'di na namin ni groom- to- be kailangang mag- lancha. O.A. naman kasi yun. Nakakatuwa, tatlo lang ang ninong at ninang nila. Tas si Sharon Cuneta ang Matron of Honor. Okay wala lang.

Kung ako kakasalin, ito ang details:

Ang kasal ko, gabi. Pero ang start ng ceremony, sunset. Yung saktong sunset. Maganda sana kung maanagan ako ng araw sa pagpasok ko, pero kung wala, basta dramatic. At pagkatapos ng ceremony, may mga ilaw na magaganda. Galing sa vintage lamposts na maliliit lang.

Gusto ko makasal sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati. Actually bata pa ako, gusto ko na d'yan. Sa Inquirer kasi lagi ko binabasa ang Sunday sections about weddings tas nagkakataon na maraming nasusulat doon sa section na yun ang doon kinakasal--- o talagang marami lang silang pera? Anyway, gusto ko d'yan.


kung hindi d'yan,

Sa Mt. Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Una, dahil renovated na s'ya. Pangalawa, marami akong memories sa simbahan na yan. D'yan kami bininyagan. Hindi man ako sagrado Katoliko, 'pag nasa Mt. Carmel, katoliko ako. D'yan ko lang gusto magsimba talaga. Kung gusto mo ako magsimba, dalahin mo ako sa Mt. Carmel.

Wedding Gown! Ito na siguro ang pinaka- exciting na part ng kasal--- well para sa mga brides. Nung una, wala talaga akong gustong design ng wedding gown. Pero nung kinasal si Gwen Stefani, nakita ko na ang perfect wedding gown, ever.

Ayan na ata ang pinakamagandang wedding gown na nakita ko sa tanang buhay ko. Ang ganda talaga. Pero s'yempre may kaunting customization pa yan, pero gusto ko ganyang kulay. As in ganyan talaga. Ang bulaklak ko, s'yempre ang favourite ko, ang Daisies.

Sa mga bisita, kailangan naka black lang. Classy, pero 'di patay. Ayoko kasi ng may nakaputi maliban sa akin, kasi ako ng bride. Ayoko ng may nakabarong o saya. Gusto ko tuxedo at short dresses. Ang entourage, naka black na may red details. Siguro sa lalake, neck tie na red at sa babae, bahala na kung ano sa suot nila. Ang groom kailangan naka black and white din. Walang babae ang naka long dress. Mapapaalis ka ng wala sa oras. Si Mama lang ang pwedeng sumuway sa dress code na ito.

Pag bridal march ang kanta, You've Got a Way ni Shania Twain. Oo, ayoko nung typical wedding march music. Sa ceremony, kakantahin yung Forevermore ng Side A. Gusto ko din sana isama yung The Search is Over ng Survivor, ano kaya? First Dance namin, The Way You Look Tonight ni Rod Stewart. Kung medyo upbeat, Can't Take my Eyes off of You ng Muse. Ganda 'di ba?

Wala pa akong naiisip na souvenir, kasi medyo nababaduyan ako. Pero naisip ko sa bawat mesa, may itim disposable camera (c/o Kodak ahaha!) for the guests.

Yung pagkain pala, galing sa Le Souffle o kaya catered ni Chef Rolando Laudico. Basta sana ang reception sa One Espalande sa Bay City. Ang buong lugar, may gothic- vintage feel. Black, red, at white ang motiff. May mga chandeliers na magaganda. Ang atmosphere ay warm. Free flowing wine. Gusto ko ang speeches ng mga guests nakakaiyak. At gusto ko, specifically, magsalita si Lian Buan at Paula Bringas. Ang party sana magdamag hanggang ihatid kami sa Airport para sa Honeymoon.

Ang regalo, nasa wedding gift registry, Rustan's siguro. Hehe.
Ang honeymoon, sa Europe.

Yung ibang details 'di ko pa maisip. Medyo may eight years pa ako para isipin yung mga yan. :)

at ilang taon para humanap ng groom ;)

Monday, April 20, 2009

Ikaw ba 'to?

Merong mga taong nakakairita talaga. Yun bang maski anong gawin mo, maski anong pilit mo, hindi mo talaga magugustuhan. Ako kasi, pinipilit ko namang intindihin ang mga tao sa paligid ko.

Ang pinaka ayoko kasi sa lahat ay ang mga unsolicited advices. Sa tanang buhay ko, ang dami dami ko nang nakukuhang ganyan na ni minsan 'di ko naman pinapakinabangan. Dahil una, hindi mo naman akong lubos na kilala para bigyan mo ako ng words of wisdom mo. Hindi porket umubra sa' yo ay uubra na din sa akin, 'di ba? Mamaya, tanawin ko pa yan sa' yo ng malaking utang na loob, ayoko pa naman nun. Sa magulang ko lang ako may utang na loob, sa totoo lang.

Ayoko din ng mga taong ginagawa kang tanga. Obvious ba na alam mo na yan, uulitin pa sa' yo for the sake of saying something. Jusme. Ayoko pa naman ng sirang plaka, worse, yung feeling n'ya sobrang galing na n'ya dahil nagsabi s'ya ng bagay na sa totoo naman, alam mo na.

Ayoko din ng taong nakikielam sa mga gamit ko. Kaya ko nilagay yan d'yan, tinago, at ni minsan 'di na hinahawakan ay dahil sa mga personal na dahilan. Ngayon, kung gusto mong magpasikat, pwes, mag- artista ka. Hindi ko kailangan ng taga ligpit ng gamit ko at hindi ko kailangan ng mag- uungkat ng mga bagay na tinatago ko. Siguro binasa mo rin yung mga sulat ng ex ko no? O pati yung regalo n'ya sa akin na nakatago?

Ginagawa ko ang mga bagay- bagay sa buhay ko na naayon sa sarili kong convenience. Sabihin mo nang magulo ang buhay ko, e ano naman sa'yo ngayon? Ginugulo ka ba ng buhay ko? Hindi naman 'di ba? Subukan mo kayang tignan ang sarili mo pag natutulog ka, ang gulo mo kaya. Hindi ako makatulog.

Wednesday, April 15, 2009

Eh Ano?

Eh sa wala akong pake sa kanya e.
Edi magpakamartir s'ya
Gawin n'ya lahat.

Ano naman ngayon?

Edi April 15.

Nge.

Fuck You, Bitch.

Saturday, April 11, 2009

Sarado Katoliko, no more.

Bakit ba pag babae ka, obligado kang maging relihiyosa?

Kasi hindi ko maisip kung bakit ni minsan hindi pinilit ni Mama si Kuya na sumama sa Easter vigil sa labas ng bahay namin. Yun yung nagdadasal sa harap ng poon para sa Salubong bukas ng umaga. Noong una, exciting kasi bago lang kami dito, pero habang tumatagal, lalo ko nang mas matulog ng mahaba kesa magising ng alas- 4 ng umaga.

Ngayon, habang nagttype ako neto, pinaparinggan ako ni Mama. Talaga daw akong, ano...

Ano nga ba?

Ayaw ko na maobligahan. Kung gusto ko maniwala, maniniwala ako. Mas nakakainis naman na magpakaplastik ako na Katoliko, tumulong kunwari ng 'di bukal sa aking loob.

Nakakairita yung mga taong ganun. Para masabi na magaling sa lipunan, sasabihin na relihiyosa at mapagkawang gawa-- na hindi naman.

Minsan niyaya ako ng pinsan ko, na hindi ko kaclose, na hindi ko kinakausap sa tanang buhay ko, na nakatira na dito sa amin ngayon na magsimba. Actually inutusan kami, tas siguro relihiyosa s'ya kaya s'ya pala simba. Tas sinabi ko na ayaw ko. Sinabihan ba naman ako ng: Ano ka, demonyo?

THE NERVE.

E ano naman kung 'di ako palasimba? E ano naman kung 'di ako paladasal? May ginawa ba ako sa'yo para sabihan mo ako na demonyo ako? The heck.

Anyho, Happy Easter.

Sunday, April 5, 2009

Phone Conversation

Alam ng lahat ng tao na sobrang kilala ako na hindi ako mahilig makipagtelebabad. Siguro nung highschool, oo, kasi 'di pa uso masyado ang YM! nun, pero nang magsimulang umuso na ang YM!, dagdagan pa ng Friendster (yung account ko, 'di ko na binubuksan), Multiply (tinatamad na ako mag- update), Facebook (cool sana kaya lang nagiging uso na, pfft), at s'yempre, TEXTING nakalimutan ko na na isa ako sa mga pumilit kay Papa na kumuha agad ng telepono pagkalipat na pagkalipat namin sa bago naming bahay.

Siguro, na- excite lang ako sa fact na lumaki ako na para makausap ako sa bahay, kailangang tawagan mo ako sa celfone (Motorola yun, sobrang kapal, parang pangkaskas ng yelo, 09123641417 ata ang numero nun, nakalimutan ko na), tas biglang wala nang kahirap- hirap kasi may landline na kami. Kaya pagkalipat namin, kumuha agad si Papa ng landline, at ayun, sobra 10 na itong telephone number namin na ito.

Pero 'di din nagtagal e. Nawalan din ako ng interes kasi nakakangawit makipag- usap sa telepono. Sakit pa sa tenga kasi ditusok yung hikaw ko lagi. Kaya, I forgot na masaya makipagdaldalan sa telepono. Naisip ko din na kung gusto ko ng mainong usapan sa isang tao, kakausapin ko na lang s'ya sa personal.

Nagkaboyfriend ako ng gusto laging tumatawag. Nabadtrip ako, kasi nakakatamad. Buti na lang nagbreak kami. Sama.

Pero ngayong gabi, nakipagtelelebabad na naman ako.

Sabihin na nating, interesadong- interesado ako sa kausap ko. Dagdag pa natin na super crush ko s'ya. Siya lang naman ang Editor- in- Chief ng Varsi (kung 'di mo s'ya kilala, refer to the Valentine's Day post)

Dahil madami na namang manchichismis, nanaisin ko na lang na huwag magkwento dito. Pero, ito lang masasabi ko, mas nakilala ko pa s'ya ng lubusan. Buti na lang 'di ako nakinig sa sabi- sabi. Iba s'ya e. Kumbaga, in my own interpretation, he's so adorable. Haha! Pero iba kasi si Tonying talaga, ewan ko ba.

'Di bale, magiging close kami ng sobra, makukwento ko na sa kanya lahat ng 'di ko makwento kanina.


May utang papala akong Coke Float sa kanya.