Saturday, March 28, 2009

First Week

Naka tapos na din ako ng isang buong linggo sa internship ko sa Hinge- Inquirer Publications (HIP). Nagsimula na akong magtagal sa harap ng computer for research, articles, at pag- organize ng kung anu- ano. Masaya sa HIP, kasi yung mga tao hindi ma- ere. Well, meron dun, sa labas yung mga hindi ko naman talaga nakakausap na kung magdamit talo pa ang pumaparty araw- araw. Pero 'di ko naman talaga alam kung ano sila sa HIP (hehe... bad!) Sobrang mabait sa akin yung mga tao, sila Ms. Eva, Ms. Lianne, Ms. Quel, CG, LA, Miles, Cielo, Kuya Eugene, Kuya Louie, Kuya Dar, Kuya Pat, Karen, Kuya Benson, Ms. Ianne, at (Ms.) Bevs. Nakapag legwork na din ako, sa Bio- Research Sucat. Nagsulat ng mga articles (dalawa na ata for the April issue ng Forbes or Dasma). Sobrang fulfilled naman ako sa internship ko kasi madami ako natututunan at marami akong sikreto about magazine industry na nalalaman. Hehe...

Kung mapipili akong ma- absorb ng HIP, maski malayo ang biyahe, okay lang talaga.

***

Speaking of biyahe, grabe ang biyahe ko mula San Juan to Makati and vice- versa. Nung una, sobrang hirap na hirap ako at mahal na mahal sa biyahe ko. Dadating ako ng bahay na sobrang pagod na. Kasi ganito ruta ko noon
Papunta: Sasakay ng trike mula sa bahay, baba ng SM Centerpoint, lakad papuntang LRTA, baba ng Araneta Center- Cubao Station, lakad papuntang MRT, sakay ng MRT, baba ng Ayala Station, sakay ng jeep sa gilid ng Glorietta na may biyaheng Washington- Ayala, baba ng Pasong Tamo, lalakarin ang Dela Rosa hanggang makarating ng Mile Long sa Legazpi Village.

Pauwi: Lalakad palabas papuntang Pasong Tamo, sasakay ng jeep hanggang Glorietta, lalakad papuntang MRT Station, pipila ng mahaba, saskay sa Ayala Station, baba ng Araneta Center- Cubao Station, lalakad sa Gateway papuntang LRTA Station, sakay sa Araneta Center- Cubao Station, baba sa V. Mapa Station, lakad papuntang trike. Bahay.
Kapagod 'diba?
Ngayon may natutunan ako na bago.
Papunta: Lakad palabas ng S. TuaƱo st., sakay ng Kalentong na jeep, baba ng Kalentong, sakay ng EDSA Crossing na jeep, baba bago mag- Shangri- La, akyat ng overpass, sakay ng MRT papuntang Ayala, baba ng Ayala Station,sakay ng jeep sa gilid ng Glorietta na may biyaheng Washington- Ayala, baba ng Pasong Tamo, lalakarin ang Dela Rosa hanggang makarating ng Mile Long sa Legazpi Village.

Pauwi: Lalakad palabas papuntang Don Bosco, sakay ng jeep papuntang Park Square 1, lakarin mula Park Square hanggang MRT Ayala Station, sakay ng bus papuntang Shangri- La, baba ng Shangri- La, sakay ng jeep papuntang Kalentong, sakay ng jeep na pa San Juan o mag trike papuntang bahay.
Wala lang. Grabe pa rin ang biyahe ko. Pag- uwi ko sa bahay, baldado na ako. Haha!

Pero iba pa rin ako kahapon eh. Ang ginawa ko, nilakad ko mula Legazpi Village hanggang Glorietta. Hindi ko alam ano pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin 'yun. Grabe kasi imagination ko. Kala ko, tama yung nilakad ko at matutumbok ko ang Park Square sa paglalakad, hindi pala. Haha! Pero masarap maglakad sa looban ng Ayala Loop/ inskirts ng Makati- walang tao masyado. Maski summer, malamig pa rin kasi mapuno. Puro building na magaganda. Pinagpawisan lang ako sa pagbaba at pag- akyat sa underpass e. Pero, sa paglalakad ko, nakatipid ako ng P6.00. Uulitin ko yun 'pag hindi ako masyado nababad sa computer katulad kahapon. Habang naglalakad, nawala yung stress sa katawan ko, pero pagdating ng Ayala station, nako, sumakit yung ulo ko. Haha.

Sarap maglakad sa Makati. Eversince, yun na talaga ang dream work place ko.

More on Tales of my internship, soon.

Thursday, March 19, 2009

Badvibes

Ang ayoko sa lahat, mga taong nagrereact ng:
  1. 'di ako kilala kung anong tao ako
  2. nag- iisip na sila yung tinutukoy ko, pero 'di naman
  3. nakikielam sa desisyon ko
  4. papansin
  5. mga feeling nila na magaling sila, 'di naman
badvibes.

Sunday, March 8, 2009

To- Do, Online Edition.

Natapos ko na ang dalawa sa mga dapat kong gawin, mga four hours ago. Yung article para sa UST website at yung mga picture para sa PhotoJourn. Bale ito na lang ang mga kailangan ko pa matapos:
  • Lit Report (Rilke)
  • ArtApp Time Capsule and Final Paper
  • JRN209 Newsletter
  • Flash Fiction para sa Retorika
  • Submit ng another set of applications
  • Sample articles for Agence France Presse
  • Article para sa The Journalese(?--- na matagal nang nakatenga sobra. Natatakot na ako sa editor ko, seryoso)
  • Revised Thesis
  • Final Exams
Grabe. Yang To- Do List ko, kung saan- saan ko nakikita. Sa notebook ko, sa kung anu- anong papel atbp. Feeling ko tuloy, hobby ko na isulat ang mga kailangan kong gawin o talagang makakalimutin lang ako at kailangan ko ng constant reminder para 'di ko s'ya talaga makalimutan. O, Finals, you're so close yet so far.

Speaking of OJT applications, nag- apply ako sa DZMM via Jobstreetdb. Tapos pagbukas ko ng e- mail ko may nakita akong e- mail mula sa ABS- CBN. S'yempre na- excite ako kasi baka yun na ang internship ko. Yun pala, acknowledgement e- mail lang yun. Magcheck daw ako regularly ng e- mail for updates.

Eeek. Errar.

Saturday, March 7, 2009

Badtirp na ako, seryoso.

Halos dalawang linggo na lang kami papasok pero sobrang tadtad naman kami ng gagawin. Hindi yata masyadong natutuwa ang mga prof namin sa amin at biglang nanadtad ng requirements isang buwan (linggo) bago ang pasahan. Okay lang sana kung wala kaming ginagawang thesis (sir Jere, gusto po namin ni Lian gumawa talaga ng thesis, seryoso. Hindi kami nagrereklamo) at hindi kami nagaasikaso ng OJT namin. Okay lang din sana kung wala silang pasulput- sulpot na quizzes, na 'di tinutuloy sa mga hindi maintindihang kadahilanan- na sana ang oras na binigay namin sa pag- aaral 'dun ay nilaan na lang namin sa thesis at pag- aasikaso sa application forms namin. Sana lang talaga, hindi sila nangagago.

Ang kaso kasi, yung iba, hindi nila maintindihan na hindi sila major (at kung major man, hindi lang sila ang nag- iisang major) at halos 'di na kami nakakatulog dahil napupuyat kakagawa ng requirements na 'di manlang namin makita kung saan napupunta ang pinaghihirapan namin. Alam mo yun, 'di nagttranspire sa grades namin ang paghihirap. At maski gaano namin ibuhos ang buong oras namin, wala man lang kaming nararamdaman na maganda.

Ayoko na sana magreklamo, pero naman, hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos araw- araw na sumasakit ang ulo ko sa mga dapat gawin, asikasuhin, takbuhin, kuhanan ng picture, i- legwork, i- research, at gastusan. Araw- gabi, iniisip ko paano pagkakasyahin sa 14 na araw ang tambak na gagawin. Siguro matapos lang ang March 8- 14, medyo luluwag na ang pakiramdam namin. Siguro lang talaga.

Ang wish ko lang, sana walang bumagsak sa amin, sa 3JRN1. Kasi kitangkita ko kung paano magtrabaho ang mga classmates ko at alam ko na 'di namin deserve ang lumagpak sa maski anong subject namin. Hay.

Punyeta, dapat ata imbes mag- blog ako, gumagawa na ako ng article. Haha!

P.S.
Priority ako sa dalawa sa mga in- applyan ko: Agence France Presse at Philippines Free Press. Tanggap naman na ako sa isa, Philippine Graphic. Pero mag- aapply pa rin ako sa Hinge Inquirer Publication, DZMM, DZBB, at GMA.

Good Luck talaga.

Friday, March 6, 2009

You Know I'm Such a Fool for YOU!

If you, if you could return, don't let it burn, don't let it fade.
- Linger, The Cranberries

Dapat kasi gumagawa na ako ng flash fiction para sa Retorika class namin bukas. Pero, ito ako ngayon, magbblog tungkol sa first love ko, ulit.

Wala naman, kahapon kasama ko s'ya maglunch. Kahapon na- meet n'ya ang isa sa mga bestfriends ko. Kahapon, pinag- usapan nila ang ex ko. Kahapon sinabi n'ya kay Lian na "In life, all you ever need is an Angelique, tama yun" sabay smile.

Yung huli, hindi talaga maalis sa isip ko yun. Kasi naman, medyo nagttry na ako mag- move on sa kanya. Feeling ko kasi wala naman nang mangyayari sa amin, walang progress. Pero nung niyaya n'ya ako mag- lunch, kinilig ako. Lalo pa nung umaga nung nag make sure s'ya kung tuloy kami. (S'yempre Mikky, OJT namin hehe) Tapos nung nakita ko s'ya sa Glorietta, naglalakad papunta sa amin, gwapo e. Wala lang.

N'ung una, akala ko, wala na maski ano kay Mikky lalo na ng dumating si Tonying pero hindi e. The mere fact na naiisip ko pa rin yung kahapon, nararamdaman ko na meron pa rin talaga. Sabi nga ni Lian, may spark daw (na baka s'ya lang din naman ang nakakakita! haha!) Hanggang sa panaginip ko na dala ko yang thought na yan. Nanaginip ako, although positive ako na 'di si Mikky yun, naalala ko na Mikky ang tawag ko sa kanya. Pero ang sad lang, parang unrequited ata ang labas.

Ganun din kaya sa totoong buhay?

Ayaw ko na. Bakit ba ako laging nauuwi sa lalake na hindi ko maintindihan ko dumadamoves na o hindi pa. O talagang dense lang ako?

I am confused.

***

Para sa pinakamalupit na rapper ng Pilipinas,

Francis Magalona, R.I.P.