Friday, February 20, 2009

Tulaan, kuno.

Pinagawa kami ni Sir Atalia ng tula sa klase namin sa Retorika at ang topic ng tula ay dapat about love. Nung una nyang sinabi sa amin yun, wala pa akong insipirasyon sa tula. Kaya naisip ko na gawing moving- on poem na lang ang gagawin ko, tungkol kay Tres. Pero syempre, nag- iba ang ihip ng hangin ng dumating si Tonying (at kinilig ako bigla!) kaya ngayon, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay napagawa ako ng ikalawang tula, para sa kanya.

Para sa dalawang T ng buhay ko.

Love Letter

Sa madilim na kwarto
Tanging apoy ang umiilaw
At unti- unting nauubos ang kandila
at ang liyab.

Napupuno ng usok
Ang apat na sulok.
Sumisikip ang aking dibdib.
Bawat alipatong lumilipad- lipad
Hinahawi ng hindi mapuwing,
Muli.

Pinapanood habang dahan- dahang mawala.
Ang bawat piraso ng ala- ala.

At pagkatapos.

Apo’y namatay.
Abo’y naipon.
At ang papel,
Na may
I Love You
I Miss You
Take Care

Ay wala na.


Love Poem

Nararamdamang:

Nagiiba ang hangin
Kapag ika’y napapatingin.
Pisngi’y nag- iinit,
Pag ako’y napapansin.
Ako daw ay namumula,
Pag ika’y nakikita.

Hindi maintindihan, kung anong gagawin.
‘Pag ika’y nandyan, malapit sa akin.
Umiikot ang paningin at matutulala
Sa sarili, ako’y nawawala.

O ano bang nagawa mo,
At ako’y nagkaganito?
Hindi man ako tumutula,
Pero para sa’yo, ako ngayo’y gumagawa,
Mga salitang ‘di man dati’y magkakatugma,
Pagsasamahin sa isang tula
Para mabuo ang nais sabihin
At lahat ng aking naisin.

Pero alam ko na ayaw mo ng ganito,
Dahil sa manunlat na katulad mo,
Naku, walang- wala ito.
Pero sa paraang ito, masabi ko sana sa iyo,
Na gagawin ang lahat,
Makuha ko lang ang iyong puso.
Sa totoo lang, syempre mas gusto ko yung pangalawa.Ang baduy eh. Hehe.

Tuesday, February 17, 2009

Eleksyon sa USTe

At natapos din ang kampanya sa Faculty of Arts and Letters kanina. At as usual, naputakte na naman ng salitang CHANGE ang mga pinagsasasabi ng mga kandidato. Aba, so gusto n'yo maging next Obama? Hanep naman.


Gusto ko talaga magsalita kanina eh. Ginawa kasi akong host (oo ako yun yung parang naghhyperventilate sa init na host kanina sa Plaza Mayor!) ng COMELEC at pinagbawalan ako na mag comedy (although I can say na satirical naman sana ang gagawin ko. HAHA!) Pero medyo narindi din ako sa mga pingasasasabi ng mga kandidato ah. Lalo na yung isa. Pweh. Pretty boy my ass, kuya. Hindi ka gwapo, promise. Hindi talaga. At may mga tao na pinalabukan ang mga speeches nila. Kesyo 'di daw kailangan ng sugar- coated words eh 'teh, hindi ba ganun ang ginawa mo? Wala ka ngang konkretong proyekto eh. Tss. Ang hirap din nila pagbawalan. Sinabi nang 20 minutes, 5 minutes, 3 minutes, at 2 minutes eh nageextend pa. Hanep naman kayo.


At sa totoo lang, naiinis ako dahil walang kalaban ang LAKAS TOMASINO COALITION maliban sa kaklase ko na si Marge Asilo (para sa PRO) kasi naman, walang choices. It's either you vote for them or mag- abstain. 'Pag nag- abstain, hassle pa ulit. Sana man lang may kumalaban sa kanila dahil sa totoo lang, maski gaano ka gwapo ang outgoing President e parang wala naman nagawa eh. Tama ba ako? At ang line- up this year? Blah. Sa totoo lang walang dating. Hindi gumawa ng impact sa akin para hikayatin akong botohin sila. Ano ba naman ang bawasbawasan ang yabang o ang pag- iwas sa irap? Kilala mo na kung sino ka. Jusko naman. Wala akong choice kungdi iboto ang ABSTAIN except siguro kay Marge. Pero 'di ako pwede mag promote sa kanya dahil nga COMELEC ako. Pero kung may choice ako tutulungan ko s'ya. Okay tama na dito ang kay Marge.


Pero naiisip ko din na before anything else, botante din ako. At gusto ko malaman ng mga tao na may parte sa tuition na binabayaran natin ay napupunta sa Student Councils. Kung iisipin natin na bumoto ng maski sino lang, sayang pera ng magulang natin. Sayang pera sa magbili ng computer sa tengeng Automated system, sayang ang brain cells natin kakaisip ng kung sino ang iboboto kung mapupunta tayo sa wala. Sayang talaga. At huling taon ko na sa UST. Ayoko masayang ang huling taon ko sa mga walang kakwentang- kwentang mga tao.


Kaya mga kapwa Tomasino, bomoto ng tama at naayon sa puso. Huwag natin sayangin ang pagkakataon at pera nating lahat.

Saturday, February 14, 2009

Valentine's Day pt. 2


Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko pre- Valentine's day blog entry ko.

Kanina na lang, pagdating ko sa opisina namin sa COMELEC, sinabihan ako ng Chairman namin. Sabi n'ya, dadating daw ang crush ko, yung editor ng The Varsitarian, ang official publication ng UST (hahaha!) imi- meet n'ya daw ako ng 4p.m. Kalahati ng araw, iniisip ko kung ano mangyayari sa amin 'pag nagkita kami kasi una, 'di naman talaga kami nagu- usap nun at pangalawa, one- sided love affair lang ito at 'di ako umaasa na you know, the closer jenjereren. Sa klase namin sa retorika (Hangaleng ni Sir Atalia!) iniisip ko kung iibahin o ang tula ko at gagawin ko na lang tungkol sa kanya. Pero'di ko na binago, tungkol sa ex na hinayupak ko na lang.

Pagkatapos ng klase, isang oras bago kami magkita, kinakabahan ako. Naka dalawang tasa ako ng tsaa sa sobrang tense. Grabe. Habang naghihintay, 'di ko na alam kung anong gagawin ko. Aawayin n'ya ba ako dahil sa pagka- stalker ko, sasapakin n'ya ba ako para umalis sa buhay n'ya o ano. Kinakabahan ako.

Alas kwatro na ng hapon, nag- text na siya at papunta na daw sa office. Lalo akong kinabahan lalo na pagnaririnig ko ang pagtukso ng mga kasama ko.

At dumating na ang oras ng pagdating n'ya.

Dahan- dahan, binuksan ko ang pinto at nakatayo s'ya dun, hawak- hawak ang isang bouquet ng roses na ni minsan sa buhay ko ay 'di pa ako nakakatanggap. Nakalagay pa sa favourite ko, pink at red. Nagulat ako dahil sa pangalawang beses, nginitian n'ya ako ulit. Ang gwapo n'ya. Hindi, gwapo ay isang understatement.

Ngayon, sina- savour ko na ang moment na binigyan n'ya ako. At maski kutyain ako ng mga kabarkada ko dahil alam nilang 'di ako ako mahilig sa bulaklak. Pero dahil galing kay Tonying, s'yempre iba yun.

Happy Valentine's Day everyone!

Sunday, February 8, 2009

3

Ang sakit pag naalala kita. Minsan sa Facebook nakikita kita na online ka at hindi tayo nagpapansinan.

Siguro tama nga na pagna- in- love kayo ng sobrang bilis, ganun din kabilis matatapos ang relasyon n'yo. Ang hirap. Maski sabihin ko na hindi kita iniyakan, nanghihinayang naman ako sa bawat oras na magkasama tayo. Sa mga pagplano nating dalawa. Sa mga pangakong iniwan sa isa't- isa. Ang sakit na maski anong piga ang gawin ko sa sarili ko, hindi ko man lang mailabas kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. At sa lahat ng taong minahal ko, sa' yo lang ako nagkaganito. Bakit sa'yo pa?

Maraming bagay pa rin ang umiikot sa isip ko tuwing naiisip ko kung bakit tayo nagkahiwalay. Hindi ko masagot ang bagay na yan dahil walang konkretong dahilan. Wala. Nagulat na lang ako ng isang araw na bigla tayong hindi nag- usap at parang ni minsan ay hindi nagkakilala. Ano ba ang inisip mo? Ano ba ang nangyari sa atin? Siguro nga'y hindi talaga tayo sa isa't- isa. At siguro maski ilang beses ako umasa, hindi na tayo magkakabalikan kahit kailan. Pero sana maging mabait ang panahon. Sana minsan gawin n'ya tayong magkaibigan man lang muli. Dahil alam ko, at sinabi mo na hindi natin kayang maalis sa buhay ng isa't- isa. Yun ang sinabi mo.

Pero habang 'di pa nangyayari yun, sana, maka move- on na ako.

Friday, February 6, 2009

Valentine's Day?

Nakakabadtrip yung mga panahong ganito.

Isang linggo na lang halos bago ang Valentine's Day? Sinong ka- date mo?

Ako kasi, wala e. At hindi na ako umaasa na magkaroon pa. Pero, kung papalarin, sa loob ng isang linggo, sana merong mag- aya sa akin, maski lunch lang, okay na ako.

Sinasabi ko dati na ang pathetic naman ng Valentine's day. Natuto ako na ginagawa lang ang araw na ito para kumita ang mga nagbebenta ng bulaklak o para magkatao ang mga motel. Yun ang Valentine's day... araw ng gastos. Sa UST, sa tatlong taon ko, medyo ang O.A. ng mga tao, kasi may mga tarpaulin pa, pa- deliver ng bulaklak, cake at kung ano pa. Pssh.

Pero kanina, kasama ng dalawa ko pang single na kaibigan, na- realize ko na ang lungkot pala talaga ng walang ka- Valentine's. Oo, maraming tao na pwede mo pakitaan ng pagmamahal, magulang, kapatid, kapamilya, kaibigan, pero iba yung meron ka talagang honey bebe eh. Hindi ka nagccringe sa gilid, trying to supress your inggit/ kilig para 'di ka magmukhang kawawa. Ang defense mechanism mo, magagalit ka... In other words-- BITTER.

Saklap.

Naalala ko noong nakaraang taon, unang beses ko seryosong magkaroon ng boyfriend. Cloud nine ang feeling. E hinayupak na lalake yung taong yun, bigla ba naman naisip na makipag cool- off ng mismong araw ng Valentine's day! Kaya ang araw ko, maliban sa nainggit lang ako, ay iniyak ko sa grandstand kasama ng mga kaibigan ko. Ayaw ko na talagang maalala yun. At itong isa, bago ako magkaroon ng relationship hiatus, 'di man lang ata kami umabot ng birthday ko. Sa birthday ko nga 'di kami umabot, sa Valentine's pa kaya?
Ako: Putang Ina nya! Huhu... Pakamatay na s'ya
Friend 1: Jicky tama na... nasasaktan ako para sa'yo
Ako: Huhu... (pangalan ni ex boyf) bwiset! Ngayon n'ya pa naisip 'to.
Friend 2: Ano? Upakan na natin ah?
Friend 3: Tahan na Jicky...
Pero sa totoo lang, nahirapan ako nung araw na yun. Ang masama pa dun, nung nag- family dinner kami sa Trinoma noong gabi, nauntog ako sa isa sa mga pillars doon. Ouch times two! Malas naman, first time ko pa naman sana magkaroon ng totoong Valentine's day celebration, nasira pa.

Ayoko na balikan ang nakaraan, move forward nga ika nila. Pero mukhang nananadya yata ang isang ito at kukunin pa ang gamit n'ya dito sa bahay sa linggo ng Valentine's day. Nice.

Oo bitter ako.

Una dahil wala akong date. Ikalawa, hindi pa rin ako masyado over sa huli kong nakarelasyon (yung taga South ah, 'di yung sumira sa Valentine's 2008 ko) Ikatlo, ang daming lalake sa paligid ko, pero ni isa sa kanila wala naman nangaalok sa akin. Ika-apat, mukhang masisira na naman ang Valentine's 2009 ko.

Hay, kung ano man itong nararamdaman ko, sana matapos na ito.
Happy Valentine's Day! Haha!

Alam mo maski sino ka man, may klase ako sa araw na yun, 9am- 3pm, ang paborito kong bulaklak ay Gerbera (Daisy) at bawal ako sa Chocolates... Cake na lang ;)