Saturday, January 24, 2009

In Three Years

Oo, three years na kami.

Three years na kami ng aking kurso, ang Journalism. Hindi ko talaga maisip ang sarili ko sa maski anong kurso sa kolehiyo maliban dito. Naisip ko nung bata pa ako na maging Architect o Teacher, pero nawala ang desire ko sa mga bagay na yun. Pero simula ng makuha ako sa school paper noong elementary ako, naisip ko na na Journalism nga ang gusto ko. Nung nag fourth year ako, sa UP at UST ko lang talaga gusto kumuha kasi alam ko maganda ang Journalism programs nila, pero kumuha na din ako sa Ateneo, just in case. Pero last minute, iniba ni Kuya ang course preference ko sa UP kaya technically, sa UST lang talaga ako kumuha ng Journalism. And the rest, as they say, is history.

Malayo na ang narating ko sa kursong ito. Although love- hate relationhsip talaga ako sa UST, thankful ako at nakapasa ako sa Journalism dito. Ang dami ko nang napagdaanan eh at sa lahat ng 'yon, sigurado akong 'di ako susuko. Mula first year, natutuhan ko na simula na ito ng pakikibaka sa totoong mundo. Maski sabihin nila na medyo spoon feed ang turo sa UST, masasabi ko na hindi rin, lalo na ngayong third year. Ang daming magagaling na professors ang nag handle sa amin, tulad ni Ian Esguerra, Ferdie Lopez, Nerissa Guevara, Eros Atalia, Ralph Galan, at Nestor Cuartero (obvious ba na favorites ko sila?)

Siguro, third year na ang pinakamasaya kong taon (hinihintay ko pa ang fourth year!) dahil medyo puro majors na kami ngayon. Natutuwa talaga ako pagnagi- interview kami, mula sa mga pinakasimpleng tao hanggang sa mga prominente. Hindi man sa mismong kurso ko, pero nainterview ko na si Dra. Vicki Belo at Alfredo Velayo. Ang dami ko na ding taong nakilala. Sila Jun Lana, Jun Palafox, James Velasco, atbp. Naghabol sa mga tao, nabadtrip sa mga hindi sumisipot na interviewees, kinilig sa sobrang star- struck. Nakapagresearch ako sa iba't- ibang lugar, nakapag- cover ng mga events, nakipagsiksikan, gumastos ng sandamakmak sa pamasahe, mangiyakngiyak sa pagod, nagsulat ng articles for one hour, napuri sa good lead, naghost, nainterview, nag- shoot at marami pang iba. Sa lahat ng yan, tumatak sa isip ko ang mga katagang professionalism, dedication, hardwork, creativity, at s'yempre, fun! Ang ngayong taon na ito, makakapag OJT na ako!

Napakaswerte ko at napunta ako sa isang kurso na gustung- gusto ko. Sa lahat ng experiences ko, sa tingin ko, wala na akong hahanapin pang iba.

'Di man siguro ako mag Dean Lister (na hindi ko naman talaga pinangarap kahit kelan), alam ko na marami pa rin akong natutunan. Hindi naman nakikita sa medalya ang karunungan e. At hindi naman lahat ng magagaling na tao ngayon ay nakakuha ng mga ganyan nung nag- aaral sila. Pero s'yempre, kung mabigyan, edi thank you!

Marami pang mangyayri sa isang taon at dalawang buwan at lahat ng yun ay haharapin ko ng may pag- asa at malugod sa puso. Hindi lang dahil makakatulong ang lahat ng iyon sa future career ko, alam ko din na sa lahat ng iyon, matututo ako.

I- enjoyin ko na ang dalawang huling taon ko sa Journalism. S'mpre, kayang kaya pa rin!

Friday, January 23, 2009

Singer.




Ito ang ginagawa ko pag wala akong ginagawa o pag ayaw ko pa gumawa ng maski anong school work sa mga araw na walang pasok, ang mag- record at kumanta ng mga paborito kong kanta. Sa totoo lang, marami na akong na- record eh. Yung iba gustung- gusto ko, yung iba, ayaw ko kaya paulit- ulit ko ding nire- record. Meron akong Vocal Remover program, tas voice recorder sa computer ko kaya ang dali- dali lang sa aking gumawa ng "album" ko. Kung titignan ang iTunes ko, mga lagpas 20 na siguro ang kanta ko dito.

Ito ang iba sa mga yon.

Enjoy!

---

Isang singer din ang nagce- celebrate ng birthday n'ya ngayon.

Charmaine Sales! Happy Birthday! :)

Thursday, January 22, 2009

Legal Cheating

HAHA!

Sabog na yata ang utak ko at kung anu- ano na nasabi ko kay Lian habang gumagawa kami ng Chapter 1 at 2 ng Thesis naming dalawa. Oo dalawa lang kami. Isa kami sa mga matatapang na pares sa classroom na umisip na the lesser the members, the better. Pero wala nang tatapang pa sa classmate namin na si Dudz Academia, solo lang s'yang gagawa ng Thesis n'ya.

Kaninang umaga habang gumagawa kami ni partner ng Review of Related Literature ng Thesis namin ang dami kong naiisip sa sobrang kabadtripan. Nabadtrip na ako minsan dito eh. Minsan napag- usapan namin ni Lian ang tungkol sa kahalagahan ng Thesis. Para saan ba talaga yan? Ang pinaka- immediate na sagot ay para makagraduate. Susunod na d'yan ang for further researches and studies. Pero tignan mo, wala naman talagang napapapublish na undergraduate Thesis maliban sa eskwelahan lang. S'yempre, bakit ka pa titingin ng Thesis ng iba, kung meron naman nang pag- aaral na mas magaling at reliable pa. At s'yempre hindi makakagawa ng mga bagong Thesis kung hindi mo kukuhanin ang idea sa mga nakaran nang nagawa.

Naisip ko na ang Thesis ay parang isang form ng legal cheating. Oo, dahil kinokopya mo lang din naman ang salita ng mga iba. Yun lang, para 'di masabing pandaraya, nilalagyan mo ng citation. Kung iisipin mo naman, hindi mo naman talaga idea yun para angkinin mo at pangalanan mo na ang Thesis mo ay iyo.

Kaya naisip ko, magiging okay lang ba ang pangongopya sa kaklase kung lalagyan mo ng citation? Halimbawa, nangopya ka ng sagot sa eksam. Para sabihin na okay lang naman, ba't di mo kaya lagyan ng [apelyido ng kaklaseng kinopyahan], [taon ng pagkopya] (e.g. Parungao, 2009) O 'di ba? Na- credit mo pa ang katabi mo. Kung mali ka, alam mo pa kung kanino ka mo isisisi ang mali mo.

Hindi 'ba?

Hay naku. Masama na ito. Puro kalokohan na ako.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa Thesis.

O Bakit Ba?

May mga taong sadyang makikitid ang utak at ang isip ng Trust at Loyalty ay getting into the dark side and going away from your principles? Na pag may kasalanan sila at nahuli sila sa ibang tao nila sisisihin.

Kung matino ba ang pag- iisip mo, bakit mo naman iisiping sabihin ang mga bagay na yun sa kaibigan tinuturing mo (kung tinuturing mo nga) at tinuturing kang totoo. Hindi ko talaga maintindihan eh. Kung ang buhay mo, total wreck, wala kang karapatang gumawa ng bagay na makakasama sa iba dahil natural na salbahe ka. 'Wag ganun. Kung tutuusin, ikaw na sumama lang at nakibagay ay walang karapatang mag- imbento ng mga bagay na walang kabuluhan dahil una, hindi mo pa talaga na kilala ang mga taong nakapaligid sa iyo at pangalawa, wala kang lubos na panahon para makasama sila at masabi mo ang mga bagay na katulad ng sinabi mo. Wala talaga.

At kung balak mo magsalita sa likod ng mga taong tinuring mo (kung tinuring mo nga) at tinuring ka na tunay na kaibigan, mag- isip ka. 'Yan ba ang tunay na kaibigan? Hindi siguro.

Hindi na, sa tingin ko, babalik sa dati ang relasyon natin sa isa't- isa. Ikaw na tinuring namin na totoong kaibigan, pinakinggan, nirespeto, at minahal. Kung ang tingin mo sa amin ay mga ipokrito, na nagkukunwari lang, 'edi isipin mo. Kasi kami, katulad ng sinabi ng ibang tao

We need someone we can Trust.

---

ay naku, alam ko na, may excuse na naman para dito.
Excuses, Excuses.

Thursday, January 15, 2009

Mar Roxas: On Korina and What they do

Ang sweet pa rin ni Sen. Mar Roxas no? So candid.

What’s a typical day in your life?

“I wake up at 5 a.m. I like that time of day. Tahimik. Hindi pa kumikiriring ang celfon mo, wala pang text messages. I surf the Internet. At 6:30 or 7, sometimes reporters ring me up for interview. Then, I take breakfast — one cup of coffee and a bowl of oatmeal. I go to work at 9. It’s all paper work in the morning — that is, if the Senate has no session. After that, I attend functions. Otherwise, I’m home early and read after dinner. Sometimes, I fetch Korina at ABS-CBN after she’s done with the newscast, lalo na pag matagal na kaming hindi nagkikita.”

With your busy schedule, how much time do you devote to your love life?

“We see each other almost every day. We talk a lot on the phone. We exchange text messages.”

Where do you meet... ”somewhere?”

“Here... in my house.”

What do you usually do?

(Laughs, blushing a bit) “Hoy, hindi na kami high school! I’m sure you know. Naiintindihan n’yo na ‘yon; alam n’yo na ‘yon.”


(from Yahoonews)

Wednesday, January 14, 2009

First Love

Philippines



US



Bakit ang first love laging bittersweet?

Most of the time, nawawala s'ya. 'Pag nagkita naman kayo ulit, either may iba na s'ya o nagbago na s'ya at 'di mo na gusto ugali n'ya (o itsura). Ilan lang ba ang nauuwi sa mga first love nila? I doubt na maski sabihin ng mga parents natin na ang tatay/ nanay nyo ang first love nila, cannot be pa rin yun 'di ba? Well, not all the time.

Ang first love ang pinaka- pure at pinaka masarap na stage ng pag- ibig. Dahil sa stage na ito, walang malisya. Minahal mo s'ya higit pa sa itsura n'ya. At mamahalin mo s'ya habang buhay.


Kung first puppy love ang pag- uusapan, nandyan si Franz. Nursery ako 'nun eh. AM s'ya, at PM ako. Eh one time, pinagsabay ang klase namin. 'Tas naupo s'ya sa tapat ko. Medyo na ilang ako kasi nakatitig s'ya sa akin. Sabi ko ang freaky naman n'un. Kabata- bata, ang psycho. Pero gumawa ng paraan si kupido eh. After n'un, nagka- interaction, at kinausap n'ya ako. Crush daw n'ya ako. Hindi ko na maalala kung kinilig ako. Ang tanong, alam ko na ba yun noon?

Kinder 1, naging semi- kami. Alam mo 'yun pag bata, ang sweet tignan, holding hands sa ilalim ng mesa, kulitan, ang cute. Pero hindi din kami nagtagal kasi pagdating ng Grade 1, umalis na sila ng kapatid n'ya sa school. Ang tagal ko din s'yang hinanap n'un eh. Hoping na baka magkaspark ulit. Pero siguro, nag- iba na taste ko kaya nung nakita ko picture n'ya, 'di ako nagwapuhan, 'di ko s'ya type. Kaya sa tingin ko, 'di talaga s'ya ang first love ko.

Kung tototohanin ang first love, si Mikky na yun.

Alalang- alala ko pa nung una kaming magkita. Nagpunta ako sa school ni Kuya nun. Paparating s'ya at pinakilala ako ni Kuya sa kanya. Para akong nakakita nga artista.

Apat na taon na halos kaming magkaibigan, pero ni minsan 'di ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko, dahil natatakot ako na baka 'pag sabihin ko, hindi na kami maging magkaibigan. Na baka maging mitsa ito ng pagka- ilang namin sa isa't isa.

Minsan natanong ko sa kanya, kung ba nagkagusto ako sa'yo, ano reaksyon mo. Ang sagot n'ya s'yempre flattered. Tumawa lang ako.

Pero deep inside, pwede bang 'wag ka lang ma- flatter, mahalin mo din ako.

Pagkatapos ng apat na taon, ganon pa rin itsura n'ya. Tumaba s'ya, pero ganun pa rin. Tingin ko, maski magbago pa ang itsura n'ya, mamahalin ko pa rin s'ya. Kasi s'ya ang True and First Love ko. Wala nang iba.

Ano kaya magiging ending namin 'no?

Abangan.

Friday, January 9, 2009

So Pani.

Nakakatawa pero ang daming beses na akong humingi ng signs para malaman kung may pag- asa ba tayong dalawa. Mula ng una kitang makilala at ma- realize ko na "No this is not just an infatuation, this is love!" Nakakatawa, pero ikaw talaga ang first love ko-- maski gaano ko pa kadalas i- deny at sabihing si ganito, si ganyan. Madalang ko lang sabihin na ikaw, lalo na 'pag ang nagtatanong ay kilala nating dalawa.

Pero kahapon, mas nakakatawa pa ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit ka biglang nainteresado sa Kokology, at naisipan mong magtatatanong ng mga psychological questions. Nakakatawa na maraming tanong na, according sa' yo ay pareho tayo ng sagot. Ano ang ibig sabihin nu'n? Gusto mo ba na pareho tayo ng mga sagot, katulad ng pagkagusto ko dito?
"Pareho Tayo!" lagi mong sinasabi.
"Kasi perfect tayo for each other!" yan ang gusto kong sabihin.
"Wow! Cool! Next question!" yan na lang, kasi dyahe.
Pero may mga tanong talaga na badtrip eh.

You received a card from someone you don't expect to get it from. Who would that be?
Mikky!

That person is someone you would expect to give more care to you.

Sablay.

Nyak. Sabay sabi mo na: Hindi naman lahat yan totoo. That it's all relative and in general answer.

So ang ibig sabihin n'yan eh, You care about me? :)

Hahaha! So pani naman me.