Saturday, February 14, 2009

Valentine's Day pt. 2


Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko pre- Valentine's day blog entry ko.

Kanina na lang, pagdating ko sa opisina namin sa COMELEC, sinabihan ako ng Chairman namin. Sabi n'ya, dadating daw ang crush ko, yung editor ng The Varsitarian, ang official publication ng UST (hahaha!) imi- meet n'ya daw ako ng 4p.m. Kalahati ng araw, iniisip ko kung ano mangyayari sa amin 'pag nagkita kami kasi una, 'di naman talaga kami nagu- usap nun at pangalawa, one- sided love affair lang ito at 'di ako umaasa na you know, the closer jenjereren. Sa klase namin sa retorika (Hangaleng ni Sir Atalia!) iniisip ko kung iibahin o ang tula ko at gagawin ko na lang tungkol sa kanya. Pero'di ko na binago, tungkol sa ex na hinayupak ko na lang.

Pagkatapos ng klase, isang oras bago kami magkita, kinakabahan ako. Naka dalawang tasa ako ng tsaa sa sobrang tense. Grabe. Habang naghihintay, 'di ko na alam kung anong gagawin ko. Aawayin n'ya ba ako dahil sa pagka- stalker ko, sasapakin n'ya ba ako para umalis sa buhay n'ya o ano. Kinakabahan ako.

Alas kwatro na ng hapon, nag- text na siya at papunta na daw sa office. Lalo akong kinabahan lalo na pagnaririnig ko ang pagtukso ng mga kasama ko.

At dumating na ang oras ng pagdating n'ya.

Dahan- dahan, binuksan ko ang pinto at nakatayo s'ya dun, hawak- hawak ang isang bouquet ng roses na ni minsan sa buhay ko ay 'di pa ako nakakatanggap. Nakalagay pa sa favourite ko, pink at red. Nagulat ako dahil sa pangalawang beses, nginitian n'ya ako ulit. Ang gwapo n'ya. Hindi, gwapo ay isang understatement.

Ngayon, sina- savour ko na ang moment na binigyan n'ya ako. At maski kutyain ako ng mga kabarkada ko dahil alam nilang 'di ako ako mahilig sa bulaklak. Pero dahil galing kay Tonying, s'yempre iba yun.

Happy Valentine's Day everyone!
Post a Comment