Friday, February 20, 2009

Tulaan, kuno.

Pinagawa kami ni Sir Atalia ng tula sa klase namin sa Retorika at ang topic ng tula ay dapat about love. Nung una nyang sinabi sa amin yun, wala pa akong insipirasyon sa tula. Kaya naisip ko na gawing moving- on poem na lang ang gagawin ko, tungkol kay Tres. Pero syempre, nag- iba ang ihip ng hangin ng dumating si Tonying (at kinilig ako bigla!) kaya ngayon, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay napagawa ako ng ikalawang tula, para sa kanya.

Para sa dalawang T ng buhay ko.

Love Letter

Sa madilim na kwarto
Tanging apoy ang umiilaw
At unti- unting nauubos ang kandila
at ang liyab.

Napupuno ng usok
Ang apat na sulok.
Sumisikip ang aking dibdib.
Bawat alipatong lumilipad- lipad
Hinahawi ng hindi mapuwing,
Muli.

Pinapanood habang dahan- dahang mawala.
Ang bawat piraso ng ala- ala.

At pagkatapos.

Apo’y namatay.
Abo’y naipon.
At ang papel,
Na may
I Love You
I Miss You
Take Care

Ay wala na.


Love Poem

Nararamdamang:

Nagiiba ang hangin
Kapag ika’y napapatingin.
Pisngi’y nag- iinit,
Pag ako’y napapansin.
Ako daw ay namumula,
Pag ika’y nakikita.

Hindi maintindihan, kung anong gagawin.
‘Pag ika’y nandyan, malapit sa akin.
Umiikot ang paningin at matutulala
Sa sarili, ako’y nawawala.

O ano bang nagawa mo,
At ako’y nagkaganito?
Hindi man ako tumutula,
Pero para sa’yo, ako ngayo’y gumagawa,
Mga salitang ‘di man dati’y magkakatugma,
Pagsasamahin sa isang tula
Para mabuo ang nais sabihin
At lahat ng aking naisin.

Pero alam ko na ayaw mo ng ganito,
Dahil sa manunlat na katulad mo,
Naku, walang- wala ito.
Pero sa paraang ito, masabi ko sana sa iyo,
Na gagawin ang lahat,
Makuha ko lang ang iyong puso.
Sa totoo lang, syempre mas gusto ko yung pangalawa.Ang baduy eh. Hehe.
Post a Comment