Sunday, February 8, 2009

3

Ang sakit pag naalala kita. Minsan sa Facebook nakikita kita na online ka at hindi tayo nagpapansinan.

Siguro tama nga na pagna- in- love kayo ng sobrang bilis, ganun din kabilis matatapos ang relasyon n'yo. Ang hirap. Maski sabihin ko na hindi kita iniyakan, nanghihinayang naman ako sa bawat oras na magkasama tayo. Sa mga pagplano nating dalawa. Sa mga pangakong iniwan sa isa't- isa. Ang sakit na maski anong piga ang gawin ko sa sarili ko, hindi ko man lang mailabas kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. At sa lahat ng taong minahal ko, sa' yo lang ako nagkaganito. Bakit sa'yo pa?

Maraming bagay pa rin ang umiikot sa isip ko tuwing naiisip ko kung bakit tayo nagkahiwalay. Hindi ko masagot ang bagay na yan dahil walang konkretong dahilan. Wala. Nagulat na lang ako ng isang araw na bigla tayong hindi nag- usap at parang ni minsan ay hindi nagkakilala. Ano ba ang inisip mo? Ano ba ang nangyari sa atin? Siguro nga'y hindi talaga tayo sa isa't- isa. At siguro maski ilang beses ako umasa, hindi na tayo magkakabalikan kahit kailan. Pero sana maging mabait ang panahon. Sana minsan gawin n'ya tayong magkaibigan man lang muli. Dahil alam ko, at sinabi mo na hindi natin kayang maalis sa buhay ng isa't- isa. Yun ang sinabi mo.

Pero habang 'di pa nangyayari yun, sana, maka move- on na ako.
Post a Comment