Tuesday, December 9, 2008

Shoe Mart

Gabi- gabi na lang, late na ako umuuwi. Hindi ko na nagagawa lahat ng homeworks ko on- time kasi sobrang late na ako umuuwi. Tulad ngayon, uwian ko 11 a.m. Syempre, pupunta muna ako sa org ko sa TomWeb para mag "trabaho" (kung ano man yun) at mag-abang ng mga cute na lalake sa UST (sorry na! babae naman kasi ako). After nun, punta na ako sa office ni Papa sa Quiapo para sabay- sabay na kami umuwi. Pero 'di pa dun magtatapos yun kasi dadaan pa kami sa "Second Home" namin, ang SM Sta. Mesa. Pero 'di ako nagrereklamo. Kasi, SM means bonding with Mama and Papa.

Walang mintis yun, kung meron, once a week lang. Lagi kami sa SM kumakain ng dinner, ako, si Mama at si Papa- kasi si Kuya laging late na umuuwi galing UP. Halos lahat ata ng kainan dun kilala na kami. Minsan 3 days straight, isang restaurant lang kinakainan namin, minsan iba-iba araw-araw para may variety. Pero ang laging bida sa menu namin ang Chowking at Max's.

Kanina, maski ayoko na dumaan ng SM sa dami ng gagawin ko ngayong gabi, napilitan pa rin ako. Tulog na tulog na ako sa kotse nun e. Ang himbing na. Pero nakakapagtaka na kapag nasa kanto na kami ng Banco De Oro-- entrance ng SM Sta. Mesa, automatic na nagigising na ako. Natatawa nga si Papa lagi eh. Alam na alam ko na daw kung nasa SM na kami. E hello! Naririnig ko naman sila nag- uusap eh.

Naalala ko noon, pag alam ko na pupunta kami ng SM, sobrang excited na ako. S'yempre, pag bata ata hanggang pre- teen, pag narinig ang salitang MALL (o Jollibee, o McDo) sobrang kasiyahan na yun parang piyesta. Maski yang mall na yan e 4 floors lang at maliit. SM day lang kasi namin dati tuwing Linggo pagkatapos magsimba. Dati ako, si Kuya, si Mama, at si Papa hanggang sa naging ako, si Kuya, at si Mama na naging ako at si Mama na lang. Ngayon, 3 na lang kami, ako, si Mama, at si Papa. Mag- iikot kami maghapon noon, kasi ang misa namin ang tapos 1 p.m., maglu- lunch na tas shopping (o window shopping). Minsan aabutin na ng gabi para dun na din mag- dinner.

Pero naging sobrang busy na kaming 4. Minsan, hindi na kami umaalis ng sabay- sabay. Sa paglaki namin ni Kuya, siya na mang pagkawala namin kina Mama at Papa. May kanya kanyang lakad na kasama ng barkada. Kung saan-saan na kami nakakarating, lalo pa ngayon na ang dami ng naglalakihang malls dito sa Metro Manila. Ang masama pa doon, minsan sa umaga, di na din kami nagkikita- kita. Kasi aalis ako o si Kuya bago magising sila Mama at Papa. Gigising lang namin sila para magpa- alam tas matutulog na ulit sila. Swerte na lang talaga pag walang pasok, may pagkakataon kami na magsama-sama. Pero minsan kasi maski walang pasok, busy pa rin kami.

Nami- miss ko na na magkakasama kaming 4. Dati pag gabi na, sabay- sabay kaming manood ng TV, nagkkwentuhan pag kumakain ng hapunan, naghuhugas ng pinggan pagkatapos kumain.

Ngayon, wala nang ganun.

Ano ba yan, 4 na lang kami ah.

Nakakalungkot na lumalaki na kami at tumatanda na sila Mama at Papa. Gusto ko sana pagkatapos ko mag- aral, magkaroon kami ng oras na isang buong pamilya ulit kami. Sama-sama, wala kwentuhan lang. Maaga kami uuwi lahat, magkikita kami ng mata sa mata, gigising sa umaga, kakain ng breakfast ng sama- sama. Lalabas, at bumalik ulit sa dating SM, kung saan kami laging magkasama, na buong pamilya.
Post a Comment