Monday, December 8, 2008

Bagong Blog

Hindi na ako nagsawa sa kakagawa ng blog.

Hindi ko na alam kung pang ilan ko nang blog itong ginagawa ko, siguro, kung tama ang bilang ko, mga pang 5 na. Naalala ko na dito din ako sa blogger nagsimula ng blog ko nun. Shunga kasi ako e. Nagiimbento ako ng password at user name na kung hindi sobrang haba eh madaling makalimutan. Hindi ko naman ma- delete kasi hindi ko alam kung paano papasukin. Kaya pag naisip kong gamitin ulit yung user name, hindi na pwede kasi nagamit ko na daw-- pero sa totoo, hindi pa.

Yung pangalawa, sa Xanga. Nagsimula yun kasi uso nun sa Candy Magazine yung magfe- feature ng blogs na interesting. E ambisyosa ako, gusto ko din ma- feature DAHIL avid reader ako ng magazine na yun (na nalaman ko, sabi ni Sir Zulueta sa prof ko sa LitJrn na isa ito sa Wowowee ng magazines. Ouch) Kaya ng isang maulan na hapon, wala akong magawa, nag sign- up ako sa xanga at yun, inspired by Bianca Gonzalez's SuperBianca ako naman si Angelique the Great (tulad ni Alexander the Great-- who was not so great after all). Nagsisi din ako sa title/ user name ko na yun. Kasi ang HABAAA at ang wordy. Kumbaga nakakatamad tandaan. Nagtry din ako gumawa ng bagong blog, sa xanga din pero 'di ko na tinuloy kasi marami na akong readers sa luma kong blog. So ever since 2004, yun na ang permanente kong tahanan sa world wide web.

Pero di pa dyan natigil yun eh. Naalala mo ba nung bagong labas ang Wordpress? Gumawa din ako dun. Mga 2 ata. Pero masyadong komplikado e. Maski gaano ako katagal magstay online, wala akong tiyaga pag- aralan yung wordpress. Kaya yun, hanapin n'yo ako sa wordpress, nandun pa rin yung blog ko, walang laman. Plano ko kasi dun, yun yung poetry site ko, pero naisip ko na mas maganda dito sa blogger.

Kaya February 23 nun ng madaling araw ng i- publish ko ang mga tula ko dito sa blogger, sa HailThee ko yun nilagay. Kasi na- inspire ako masyado sa isang lalake nun eh. Kaya naman ako napasulat ng tula ay dahil sa kanya, na eventually, naging kanila. Sa span ng buong blog na yun, 5 lalake ata yung ginawan ko ng tula, dalawa sa kanila nakapunta na dun. Isa sa dalawang yun, inaway ako dahil na- publish ko dun yung tula n'ya na 'di pa pala pwedeng i- publish. Pero nagkabati din kami. Nakaisang taon na din yun. Kasi ang poetic juices ko, kung ganun man matatawag yun, pasulput- sulpot lang.

At ang huling- huli (bago ang isang ito) ay yung sa Tumblr. Balak ko kasi dun, secret blog. Pero alam mo naman, hindi ko kaya yun. Kaya ayun, public na din s'ya. Masaya yung blog na yun kasi artsy, pagkatapos hindi ka obligado na gumawa ng sarili mong entry para sabihin sa mga tao kung ano nararamdaman mo kasi pwede mo i- reblog ang gawa ng iba. Marami ding artists sa mga tumblr kaya nakaka- inspire.

So, ito na nga yun. Ang customary first entry para sa lahat ng blogs. Mandatory ata ang mga ganito kasi feeling ko ang blog na walang ganito, hindi nakakamove- on.

Good Luck sa akin.
Post a Comment